in

Bagong panganak na sanggol, namatay

Bologna, Mayo 24, 2013 – Namatay ang isinilang na sanggol bandang alas 9 ng gabi noong May 14, tatlong oras matapos ipanganak ng cesarean sa Maggiore Hospital sa Bologna.
Napag-alaman na ang ina ay isang Pilipina, nasa malalang kundisyon  sa pagdating sa ospital at dumaan sa maselang operasyon upang maisalba ang sanggol. 
Isang report diumano ang inilahad sa Procura di Bologna ang nagbuhat sa Ausl at upang malaman ang naging dahilan ng pagkamatay ng sanggol  ay hiniling ni pm Francesco Caleca na sumailalim sa awtopsiya ang bangkay ng sanggol na inaasahang lalabas sa susunod na linggo.
 

Kasalukuyang apat ang mga suspect. Isang gynaecologist, isang duktor na kasama sa operating room, isang anesthetist at isang neonatologist.
Ang pamilya ng sanggol, ayon pa rin sa mga report, ay walang itinalagang expert witness upang matunghayan ang awtopsiya.
Matatandaang isang sanggol na nagngangalang Christian ay namatay rin matapos ipanganak ng cesarean sa parehong ospital at kasalukuyang sumasailalim pa rin sa imbestigasyon. Iniisip na dahilan sa paglabas ng balita higit isang linggo matapos maganap ang mga pangyayari.
 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Kusang-loob na pagbabalik sa sariling bansa ng mga imigrante, pataas ang bilang

Bagong pamantayan ng sahod para sa assegni familiari, magsisimula sa July 1