in

Balik-Manggagawa Appointment System, online na rin!

Rome – Enero 24, 2013 – Sa isang memorandum ay ipinaaabot ng POEA ang bagong sistema ng pagkuha ng exit clearance o ng OEC (Overseas Employment Certificate). Ito ay ang balik-manggagawa online appointment kung saan ang mga magbabakasyong ofws ay maaaring makapili ng araw, oras at lugar sa pag-proseso ng kanilang mga exit clearance sa pamamagitan ng bmaappointment.poea.gov.ph.

Ayon sa memorandum ay kinakailangang ang mga sumusunod na dokumento:

–        Pasaporte

–        Balidong working visa o work permit (permesso o carta di soggiorno)

–        Proof of employement, company ID, pay slip (bollettini Inps o Busta paga)

–        P100.00 na processing fee, ang OWWA contribution na nagkakahalaga ng US$25 o ang katumbas nitong halaga sa pesos (kung hindi na active ang membership), P1,200 para sa Philhealth (para sa mga nais magpa-miyembro), at ang minimum P100 para naman sa Pag-ibig fund.

Ang tanggapan ng POEA sa Mandaluyong City, Duty Free Philippines sa Paranaque City, SM Manila 5th floor Global Pinoy Center at ang Trinoma Mall Low Level sa Quezon City, ay handang maglingkod sa mga ofws,  gamit ang online appointment, maging sa mga walk-in clients. Ang mga regional offices, gayunpaman, ay magpapatuloy pa rin sa pag-proseso ng nasabing dokumento.

Sa lahat ng OFW na magbabakasyon sa Pilipinas, pwede na kayong mag set ng appointment sa POEA kung kailan kayo kukuha ng travel exit pass or OEC. Hindi na kayo kailangan pumila basta may appointment date na kayo”, POLO Rome.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Kabataang web addicts, patuloy ang pagdami

Malamig na panahon sa Maynila, dulot ng Amihan