Sa pamamagitan ng Advisory No. 1-2022 ay naglabas ang Philippine Embassy ng mga mahahalagang impormasyon ukol sa nalalapit na 2022 Overseas Voting para sa mga botante sa Roma at South Italy na nasa ilalim ng hurisdiksyon ng Philippine Embassy Rome.
Una sa lahat, ipinapaalala na makikita sa Certified List of Overseas Voters (CLOV) sa website ng COMELEC: https://comelec.gov.ph/?r=OverseasVoting%2FNROVCLOV2022NLE&fbclid=IwAR33DbqvHDkVUnZsKEXNe1j0lUeyzhm_JGfjebiko_STB12WQrEIMmwTRTg
Nangangahulugan na ang mga pangalang nasa listahan lamang ang mga makakabotong certified voters.
Ang Roma, tulad ng unang inilathala ng Ako ay Pilipino, ay magpapatupad ng POSTAL VOTING. Ito ay nangangahulugan na ang mailing packets na naglalaman ng mga opisyal na balota at mga bagay sa pagboto ay ipapadala sa mga botante sa pamamagitan ng posta.
Gayunpaman, tulad ng nasasaad sa Advisory, binibigyan din ng pagkakataon ang mga botante na kunin ang mailing packets direkta sa Embahada. Maaaring mag-request sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa vote2022@romepe.org. ang mga registered overseas voters na nais na kunin ang balota sa Embahada. Sa kawalan ng komunikasyon o email sa Embahada hanggang 5:00 ng hapon ng April 17, 2022 ay nangangahulugang ipapadala ng Embahada ang balota sa botante sa pamamagitan ng posta.
Ang Overseas Voting ay magsisimula ng 8:00 ng umaga ng April 10, 2022 hanggang 1:00 pm ng May 9, 2022 (parehong Italy time).
Ang mga overseas voters ay maaaring bumoto para sa 2022 Presidential Election para sa mga sumusunod na posisyon:
- Presidente
- Bise- Presidente
- Mga Senador – 12 Senador
- Kinatawan ng Partylist – 1 Partylist
Para sa karagdagang impormasyon at susunod na Advisory, bisitahin lamang ang Facebook page at website ng Philippine Embassy.
Basadin din:
- Mga Pilipino sa Italya, paano boboto sa darating na 2022 Elections?
- Italya nangunguna sa talaan ng mga bagong voters sa darating na May 2022 National Elections
- Botohan 2022, abiso mula sa PCG Milan