Kung ang mga rasista ay palalabasin ang team sa court, ang joke ni Paolo B ay, i-bangko si Super Mario. Maliban na lamang kung ang VP ay aatras.
Roma – Pebrero 5, 2013 – Kung ang ‘chorus line’ mula sa stadium ay magpapahinto ng laro, para sa isang offensive racist phrase ng VP ng iyong team, ay hindi dapat sinimulan ang laro.
Hindi pa rin sumasagot si Mario Balotelli laban sa mga salita ni Paolo Berlusconi. Gayunpaman, makalipas ang ilang araw ay kinakailangang solusyunan ang tadhana ng championship (at ayon sa ilang observers, bigyan ng 2 consensus points ang Pdl sa susunod na eleksyon) ay naging, para sa kanyang mga superiors “the little black in the family” (o negretto di famiglia)
Isang buwan pa lamang ang nakakalipas matapos ang desisyon ng Milan na lisanin ang court sa Busto Arsizio dahil sa mga pro-country cheerers na tinawag na ‘black’ si Kevin-Prince Boateng.
"Isang pagkilos ng pagkakaisa para sa isang taong biktima ng mga bulgar na pang-iinsulto dahil lamang sa kanyang kulay ng balat", ayon sa Sportsjudge. At si Silvio Berlusconi ay sumagot: “Isang pang-iinsulto sa football at sports. Ang Milan ay palaging handa, kahit na sa mga internasyonal match na lisanin ang court sa mga ganitong pagkakataon”.
Isang buwan pa lamang ang nakakalipas, ngunit tila taon na ang nakalipas. Para kay Paolo B., walang ‘black’ – negro, ngunit mayroon ‘little black’- negretto, na tulad ng kolonyalistang tumawag sa isang batang lalaki para sa iinumin. O isang amo ng isang cotton industry sa kanyang alipin na nagwawalis ng balkonahe. Isang tila white paternalism ng 1800 sa taong 2013. Sa panahon ng pangangampanya. Sa mga tawanan ng mga nanonood. Halikayo at tingnan ang ‘little black’, mayroon kami nito sa aming pamilya. At mayroon namang naglakas-loob upang balewalain ang mga ito bilang isang pagtuya.
Para kay Mario Balotelli, marahil, ay hindi ito nakagambala, nakasanayan bilang marahas na pagtuya sa kanya. Ang pagiging kampeyon ay nangangahulugan din ng pagkakaroon ng papel bilang halimbawa, ang tinataglay na handang paglaban sa sinumang walang katulad na kakayahan, ay hindi maaaring lumaban ng nag-iisa. Nagagalit sa kung ano ang ipinagngingitngit ng marami na nangangarap ng pagiging isang Mario Balotelli, marahil dahil lamang mayroon silang parehong kulay ng balat.
Sa Italya ay maraming "negroes." Sa football field, lalong higit maging sa kalye at sa mga paaralan din. Ang ilan sa mga ito ay alam ang hindi pansinin ang mga tawag sa kanila, ang pagtawa at pang-iinsulto "ang itim" o "nugger class"? At para sa kanila na sa susunod na linggo ay hindi dapat lumabas sa court si Mario Balotelli at dapat i-bangko, tulad ng isang mandirigmang naapi, tulad ni Achille na nanatili sa kanyang kinaroroonan sa harap ng arogansa ni Agamennone.
Ang ‘little black ng pamilya’ ay mag-aaklas, i-cross ang mga paa, upang matuto ang dapat may matutunan, minamahal na mga Masters, mag-ingat sa inyong mga salita. Maliban na lamang kung ang VP ang hahakbang paatras. Ayon kay Silvio Berlusconi, ang Milan, sa mga aksyon ng rasismo ay iiwanan ang court. Paolo B. matapos humingi ng paumanhin, hindi ba dapat lisanin ang Milan?