in

Batang Idol 2013 Grand Finals & Benefit Concert

“Non ricordo un evento organizzato cosi bene in Italia”, sapat na ang mga katagang ito ng mga Italyanong hurado upang ilarawan ang tagumpay ng BATANG IDOL.

Roma – Dinumog ng mga Pilipino ang pinakahihintay na “Batang Idol 2013 Grand Finals & Benefit Concert" noong nakaraang Mayo 15 sa Teatro Don Orione, Roma.

Ito ang talent search  na sinalihan ng 34 na mga kabataang Pilipino mula 5 hanggang 12 anyos na nagtataglay ng iba’t ibang talento: pagkanta, pagsayaw, pagtugtog ng instrumento at iba pa. Ngunit di tulad ng ibang mga contest, ang Batang Idol lamang, sa direksyon ng Pyramid Entertainment Productions, ang natatanging contest na lahat ng mga kabataang sumali ay naramdamang ‘panalo’  lahat pagkatapos ng Finals.

Sampu ang nagpakita ng kanilang mga talento (1. AB DANCERS – Aaliyah Christaine Suayan & Beverlie Manibo 2. Melisse Pearl Moreno 3. Claudine Bergantinos 4. Paul Darel Marquez Estabillo 5. John Michael Napa 6. Charles Anthony Lorenzo 7. Keile Soriano 8. John Andrei Malapaya 9. Paul Gabrielle Reyes Sarmiento 10. Abygaile Lyd Timmangen) at tatlo sa mga ito ang napiling finalists at nag-uwi ng pinakaka-asam na korona at mahahalagang premyo (3RD PLACE- JOHN ANDREI MALAPAYA, 2ND PLACE – PAUL GABRIELLE REYES SARMIENTO & GRAND PRIZE WINNER – ABYGAILE LYD TIMMANGEN).

Tunay na nakakamangha ang talento ng mga kabataan. Dahilan kung bakit naging mahirap ngunit patas na  judging  nina Monsignor Jerry Bitoon, (ang nag-iisang huradong Pinoy) at ang mga italian actors na sina Giovanni Maria Buzzatti  at Andrea Bosca na naging mga hurado ng araw na iyon. Sa katunayan ay sinabi pa ng mga Italian guest: “Non ricordo un evento organizzato cosi bene in Italia”, tanda ng paghanga sa konsyerto.

Bukod sa kanilang talent ay naging makulay at makabuluhan ang konsyerto dahil sa mga production numbers ng lahat ng contestants. Opening number sa pag-awit ng Small Voice, ang nakakaindak na awiting Fame ni Jenny Jane Dayrit, ang winner ng The Voice 2012; ang Sa Ugoy ng Duyan  na pinangunahan nina EJ Jacinto at KC Castillo; ang Saranggola ni Pepe at Mamang Sorbetero, mga awiting tatak ng dugong Pilipino.

Isang konsyerto na naglunsad din ng isang mahalagang tema ng integrasyon. Gamit ang munting tinig ay pinatunayan ng mga kabataang ito ang pagiging bahagi ng sosyedad at ang pagiging Italyano rin 100% sa pamamagitan ng awiting Italiano Vero ni Toto Cotugno.

Ang buong titolo ng palabas ay naglarawan ng kahalagahan nito para sa ikalawang henerasyon: natulungan ang mga kabataang palalimin at magtiwala sa kani-kanilang talento, ang pakikitungo at pakikipag-kaibigan dala ang kulturang Pilipino at higit sa lahat ang turuan ang mga ito na magbahagi ng tulong sa mga nangangailangan di lamang sa Roma, sa Sentro Pilipino ng Urbana, gayun din sa ating mga kababayan sa Pilipinas, sa pamamagitan ng Grace to be born Foundation.  

 “Bilang organizer ng Kiddie Contest 10 yrs ago ay aking inilahad ang proyekto sa Pyramid Entertainment Productions na mangangalaga sa show at sa Filinvest Real State, bilang major sponsor  na naniwala sa magandang idudulot ng proyekto”, kwento ni Jeff Jordan, isa sa mga organizer at naging emcee rin ng gabing iyon. September 2012 ng simulang umikot sa iba’t ibang communities ang mga organizers sa paghahanap ng mga talented. February 2013 naman sinimulan ang mga rehearsals. Panahong makabuluhang iginugol sa mga kabataan na inaasahan at pinaniniwalaang kinabukasan ng ating dalawang mahal na bayan, ang Pilipinas at ang Italya.(ulat ni: Pia Gonzalez – larawan ni: Stefano Romano)

Batang Idol 2013 Participants

BOYS
1. Josh Van Edward Abanico (11 anni)

2. Paul Gabrielle Reyes Sarmiento (12 yrs old)

3. Paul Darel Marquez Estabillo (12 yrs. old)

4. Kier Russell Manila (12 yrs. old)

5. Angelo Hermogenes (10 yrs. old)

6. Bryan Jimmuel Inojosa (8 yrs. old)

7. Patrick Franz Tamayo (8 yrs. old)

8. John Andrei Malapaya (10 yrs. old)

9. Beckham Yvan Ilagan (8 yrs. old)

10. Giovanni Garcia (6 yrs. old)

11. John Andrew Magahis ((6 yrs. old)

12. John Michael Napa (12 yrs. old)

13. Charles Anthony Lorenzo (12 yrs. old)

GIRLS

14. Chiara Kristin Manalo (6 yrs old)

15. Lyndshane Honey Mae Abanico (8 yrs. old)

16. Franz Elisabetta Jacinto (5 yrs. old)

17. Hillary Pancho (9 yrs. old)

18. Claudine Bergantinos (9 yrs old)

19. Rafaella Casapao (8 yrs. old)

20. Jonmari Viesta (9 yrs. old)

21. Kristin Mae Colo Espinosa (8 yrs. old)

22. Bernadeth De Sagun Jordan (7 yrs. old)

23. Ashley Magsino Ramirez (8 yrs. old)

24. Liezly Mhay Casapao (10 yrs. old)

25. Megan Ronchiel Brosas (10 yrs. old)

26. Miriam Stefanie B.  Dimayuga ( 10 yrs. old)

27. Keile Soriano (12 yrs. old)

28. Abygaile Lyd Timmangen (11 yrs old)

29. Alexhia Napa (11 yrs. old)

30. Aaliyah Christaine Suayan (11 yrs. old)

31. Divina Amor F. Griego ( 10 yrs. old)

32. Marie Claire Casapao (12 yrs. old)

33. Beverlie Manibo (11 yrs old)

34. Melisse Pearl Moreno (12 yrs old)

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

AS Fil-Roma dumayo sa Bologna

“Aral muna, pagkatapos ay pagne-negosyo”