Sinasabing ang Pinoy ay likas na madiskarte, determinado at may angking talento kaya siguroradong makikilala sa anumang larangan saan man magpunta.
MIlan, Oktubre 3, 2013 – Pinatitihanan ito ng isang pitong taong gulang na Pinoy sa Italya. Hindi naging hadlang ang kanyang kulay at ang kanyang murang edad para unti-unti siyang makilala bilang batang modelo sa Milan-ang sinasabing fashion capital of Italy.
Kaisa-isang anak ng mag-asawang Gerry at MJ na tubong Pampanga at Laguna, si Ivan Gerry Balatbat mas kilala bilang Ivan, ay isang batang, mapagmahal, malambing at matalino. Nag-aaral siya ng primo grado sa Madre Teresa di Calcutta sa Largo Guerrieri Gonzaga kung saan ay nakitaan siya ng matataas na marka at napabilang sa mga nagunguna sa klase.
Disyembre ng taong 2010 ng mapagkayuwaan ng kanyang mga magulang na isali si Ivan (na noon ay maglilimang taong gulang pa lamang) sa contest ng BIMBI BELLI – isang kilalang negosyo ng damit na pambata, na kung saan ginamit ang social network para sa paramihan ng mga boto. Ito ay nilahukan ng mahigit 600 na bata mula sa iba’t-ibang panig ng Italya. Pagkatapos ng ilang linggong botola, idineklarang nangunguna si Ivan kaya isang taos pusong pasasalamat para sa lahat mula sa kanyang pamilya. Nang dahil dito, naging modelo siya ng kalendaryo at naging laman ng magazine ng nasabing negosyo. Nasundan ang swerte ni Ivan ng personal na pinili siya ni Ginoong Rocco Barocco, isang sikat na international fashion designer, para magmodelo ng kanyang koleksyon nung nakaraang Men’s Fashion Week sa Milan. Pagkatapos ng nasabing event, nalathala ang mga larawan ni Ivan sa Yahoo Entertainment, kapita-pitagang pahayagan ng nakikita at nababasa sa iba’t-ibang panig ng mundo. Nagdire-diretso pa ang swerte ni Ivan ng pinili din siyang maging commercial model ng Ikea, negosyo ng mga de-kalidad pero abot presyong mga dekorasyon sa bahay. Kamakailan lamang ay napili uli siya para mag-modelo ng fashion collection 2014 ng Chicco, negosyong internasyunal ng damit at gamit pambata. At hindi natatapos dito, dahil ang markang Baby Land ay si Ivan din ang napiling modelo para sa kanilang koleksyon.
Maging ang programang ‘Angat ka Pinoy’ ng Balitang Europe ay hindi pinalampas na ipaalam sa buong mundo ang tagumpay ng ating kababayan. At para sa sariling atin, si Ivan ang napiling top boy model sa Corn Tailor’s kiddie fashion show.
Sa kabila ng karangalang nakamit niya at ng kanyang kapamilya, nananatiling simple, simpatico, masunurin at mabait na bata si Ivan.
Sana ay magsibling inspirasyon sa lahat ang sitorya ni Ivan Gerry Balatbat. Paniwalaan natin na ang 2ng generation ang pag-asa nating lahat na mabago ang takbo ng ating buhay sa ibayong dagat. Alagaan natin at mahalin an gating pamilya at higit sa lahat huwag makakalimot sa Poong Maykapal. (ni: Jinna Macatangay Marasigan)