in

CHRISTMAS PARTY FOR A CAUSE, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA NG MINDORENOS ITALIA SA ROMA

Meron bang Christmas party na walang exchange gift?

Rome, Dis 31, 2012 – Ganito ang isinagawang Christmas party ng Mindorenos Italia  sa Centro Don Orione,  via Camilluccia sa Roma bilang fundraising ng kanilang community kamakailan.

Ayon kay Tomas Garcia, president ng Mindorenos Italia, yong 10 euro pambili ng regalo ay ibibigay na lang sa fundraising para makakalap ng pondo para sa pagpapagawa ng chapel sa Dulangan I, Baco, Oriental Mindoro.

“Napag-iiwanan sa kaunlaran ang aming chapel na malayo sa makikitang naglalakihan at naggagandahang mga kabahayan dito. Kung ang Batangas ay may Italian Village, ang barangay ng Dulangan ay maihahambing din dito at ang tawag dito  ng taga-Calapan City ay Millionaire’s Row. Sa fundraising na ito, hinihikayat naming  i-share nila ang tinatamasang blessings ngayong Pasko, “ dagdag pa nito.

Bagamat wala ang tradisyonal na exchange gifts, bumuhos naman ang mga sumuporta sa fundraising na tinawag na “ Mindorenos Italia Christmas Party 2012 : Let’s Party for a Cause!”

Mula sa Philippine Embassy ng Roma, dumating sina Ambassador Virgilio Reyes, Jr, ang kanyang maybahay, Marie Luarca Reyes, Consul Jary Osias at ang  isang special guest  mula sa Office of the President sa Malacanang, Secretary Ronald Llamas, presidential adviser on political affairs.

Nagbigay din ng suporta ang mga sponsors mula sa real estate companies tulad ng Eton Holdings, VistaLand/Camella Homes, DMCI; TFC ng ABS CBN network at OSN na GMA; mga balikbayan forwarders tulad ng Orient at Sarling Atin; LR perfumes; World International Foods, isang Filipino store; Sacred Ancient Oriental Martial Arts (SAOMA), at marami pang iba.

Inaliw ng mga Mindorenos Italia second generation ang mga bisita sa kanilang Pamaskong awitin na Christmas in Our Hearts at Bro, Ikaw and Star na Pasko! Lalu namang pina-init ang okasyon ng magsayaw ang MI second generation ng Gangnam dance number at nag-fashion show ang mga ito. Tinanghal na Mindorenos Italia fashion Prince and Princess 2012 sina Earl John Maniebo at Caroline Atienza.

Nagbigay din ng isang dance number ang  mga choreographers ng Mindorenos italia na sina Liezel at Danny Florida ng Kayumanggi Dance Troupe.

Ang Mindorenos Italia ay binubuo ng mga Mindorenos mula sa Oriental at Occidental Mindoro. Ilan sa mga matagumpay na Mindoreno ay sina Charo Santos Concio, chief executive officer (CEO) ng ABS CBN, Noli Boy de Castro, dating vice-president ng Pilipinas at ngayon ay ABS CBN news anchor, Gus Abelgas, host na SOCO ng ABS CBN, Pinoy Big Brother winner EJ Falcon, at Jason Francisco na nanalo din sa PBB. (ni: Raquel Romero Garcia)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Citizenship. “Kakulangan sa batas at patakaran, ngunit pabor ang mga Italians”

Jan 10, deadline ng kontribusyon ng Inps