Roma, Mayo 27, 2015 – Ayon sa mga report, isang Pilipina, 44 anyos ang patay at 6 ang iba pang sugatan matapos masagasaan ang mga ito sa tangkang pagtakas ng isang kotse mula sa mga awtoridad.
Bandang alas 8 ng gabi, ngayon araw na ito, sa Via Mattia Battistini, nang isang mabilis na sasakyan ng pulis kasabay ang malakas na serena nito ang naka-agaw pansin sa paghahabol nito sa isang grey na Lancia Lybra na tumatakbo ng zigzag sa nabanggit na kalye.
Ngunit ang sakay ng grey Lancia Lybra, 3 Nomads, sa kanilang pagtakas, sa halip na preno ang apakan para huminto sa red light ay accelerator ang inapakan, sa bilis na 180 kms/hr. Nahagip ng humaharurot na sasakyan ang pitong katao na marahil ay naghihintay ng bus sa bus stop malapit sa metro station ng Battistini. Sa pagtakas ng mga nomads, ay nakasagasa ulit ng dalawa pang katao sa Via dei Monti di Primavalle.
Sa kasamaang palad, ayon sa mga unang report, isang Pilipina ang kabilang sa mga biktima nito at namatay matapos mahagip ng Lancia.
Matapos magdulot ng isa pang aksidente, sa isang motorcycle, ay iniwan ng mga nomads ang Lancia at sinubukang tumakbo patungong Montespaccato. Inabutan ng awtoridad ang Lancia ngunit ang dalawang sakay nito, sa kasamaang palad ay nakatakas, ngunit ang babae, 17 anyos, ang ikatlong sakay ng kotse ay nahuli ng pulis. Kasalukuyang hinahanap ang dalawang nakatakas.
Ang mga nasugatan ay sinugod sa Gemelli at San Felippo Neri hospital na may red code. Samantala, yellow code naman ang isinugod sa San Carlo di Nancy hospital at ang isa pa, green code sa Holy Spirit hospital.
Ang Lancia Lybra ay naka-pangalan sa isang lalaking rom (gypsy) at tila nagma-may-ari ng iba pang 20 sasakyan.