in

Dalawang manlalaro ng Adamson University, nagmula sa Milan, Italy

Allen Perez at Gabe de Jesus

Unti-unting nakikilala ang mga kabataang produkto ng Filipino Community sa Italya, sa larangan ng sport sa Pilipinas. Kabilang dito sina Allen Perez at Gabe de Jesus ng Milan Italy.

Nitong nakaraang Linggo, ang Adamson University Baby Falcons ay itinanghal bilang kampeon ng UAAP JRS SEASON 86 BASKETBALL TOURNAMENT, muli ito ay nagdala ng tagumpay sa San Marcelino makalipas ang 31 taon.

Ang kasaysayang ito ay hindi lamang tagumpay para sa paaralan kundi pati na rin para sa Filipino Italian Community sa Milan. Ito’y dahil dalawang manlalaro ng Adamson University ay nagmula sa Milan, Italy.

Sina ALLEN PEREZ at GABE DE JESUS ay pawang mga produktong hinubog ni Coach Junard Borcena at ng I’m a Baller Milan. Ang kanilang tagumpay ay nagpapakita ng malaking potensyal para sa kanilang karera sa basketball, na nagdudulot ng pag-asa at inspirasyon hindi lamang sa kanilang sarili kundi sa buong komyunidad.

Ang Filipino Italian Community ay nagpupugay at nagagalak sa kanilang kampeonato, nagbibigay ng papuri sa kanilang husay at dedikasyon sa larangan ng sports. Umaasa ang buong komyunidad na mas marami pang kabataan ang magkakaroon ng pag asang panghawakan ang kanilang pangarap na balang araw sila naman ang makikita nating maglalaro sa isa sa prestihiyosong Torneo gaya ng UAAP at NCAA sa Pilipinas.

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Italia Startup Visa: come ottenere il visto d’ingresso per lavoro autonomo per i cittadini stranieri. La guida del nostro esperto

Mga dapat malaman ukol sa Ora Legale