in

De los Reyes at Pangilinan lumahok sa mahalagang pulong sa Roma

Roma, Marso 12, 2015 – Tatlo ang mahahalagang pulong ang nilahukan nina Agrarian Reform Secretary Virgilio de los Reyes at Presidential Assistant for Food Security and Agricultural Modernization (PAFSAM) Secretary Francis Pangilinan sa kanilang pagbisita sa Roma nitong Pebrero.  

Nangunguna dito ang kanilang pagdalo sa ginanap na 38TH Session of the International Fund for agricultural Development Governing Council (IFAD-GC).  Sumunod ang pakikipag pulong kay Kanayo F. Nwanze, ang IFAD President at kay Hoonae Kim, ang Asia Pacific Director kung saan tinalakay ang partnership ng Pilipinas at ng IFAD at ang pasasalamat kay Jose Graziano da Silva, FAO-UN Director General.

Sa isang press conference na inorganisa ng Philippine Embassy sa Roma, ay ibinahagi ng dalawang Kalihim ang halaga ng delegasyon ng Pilipinas sa 38TH Session of the International Fund for agricultural Development Governing Council (IFAD-GC). Ang kanilang presensya ay nagpakita ng matibay na pagtugon ng bansa sa rural transformation tungo sa patuloy na pag-unlad bilang isa sa mga pangunahing layunin sa taong ito. Sa katunayan, dagdag pa ng mga Kalihim, “ang bansa ay tumugon at patuloy na tutugon sa panawagan ng higit na pamumuhunan sa agrikultura o rural development”.

Ayon kay Kalihim de los Reyes ay mahalaga ang papel ng smallholder farming at family farming upang mabawasan ang gutom, mapangalagaan ang likas na yaman at ang biodiversity, upang matulungan ang mga magsasaka sa pagbabago ng klima at makapagbigay ng disenteng sahod at kundisyon ng trabaho sa mga magsasaka. Kanya rin umanong tinalakay sa nasabing pulong ang pagbibigay ng bansang Pilipinas ng higit na instrumento sa mga maliliit na magsasaka hindi lamang ng mas mahusay na imprastraktura kundi pati na rin ng mas epektibo at produktibong programa na hihikayat sa mga investors, mamimili at mga mambabatas.  


 

Sa parehong pagdiriwang ay kinilala rin ang Pilipinas sa paglulunsad ng International Day of Family Remittances. Ang Pilipinas ay kinikilala bilang isa sa mga nangungunang bansa sa mundo sa pinakamalaking remittance. Tinatayang umabot sa $ 24.4 bilyong dolyar ang pumasok na remittance sa bansa hanggang Nobyembre 2014.  

Hindi matutumbasan ang kontribusyon ng mga overseas Filipinos at ng kanilang remittance sa pag-unlad ng bansa, partikular sa rural na lugar”, ayon kay Secretary Pangilinan. Kaugnay nito,  kanyang bingyang diin ang layuning hikayatin ang mga overseas Filipinos bilang partners sa pag-unlad, maging sa pammagitan ng pag-iinvest sa sektor na ito.

Bukod sa Pilipinas, ay dumalo rin sa nasabing pagdiriwang ang matataas na opisyal sa pamahalaan mula sa 175 bansa na kasapi sa IFAD. Matatandaang ang Pilipinas ay isa sa mga founding members ng IFAD, isang ahensya ng UN at naitatag bilang isang international financial institution noong 1978.

Ikalawang layunin ng mga Kalihim ang pakikipagpulong kay Kanayo F. Nwanze, ang IFAD Presdient at kay Hoonae Kim, ang Asia Pacific Director kung saan tinalakay ang partnership ng Pilipinas at ng IFAD ukol sa rural development ng bansa.

Ikatlong layunin naman ay ang pasasalamat nina Secretaries de los Reyes at Pangilinan kay FAO-UN Director General Jose Graziano da Silva sa patuloy na pagtulong upang makabangon ang mga lugar na tinamaan ng bagyong Yolanda sa pamamagitan ng tulong teknikal sa coconut infestations sa knailang pagbisita sa tanggapan ng Food and Agricultural Organization of the United Nations.

Pia Gonzalez-Abucay

photo credits: PE Rome

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

International Womens Day, ipinagdiwang ng mga Kababaihan sa Roma

Nawalan ako ng trabaho. Paano ko ire-renew ang aking permit to stay?