in

Dialogo sa pagitan ng MIGRANTE at KONSULADO sa MILAN

Milan, Enero 14, 2015 – Isang dialogo ang naganap sa pagitan ng Migrante International at ng Philippine Consulate General sa Milan.
Ang Overseas Filipino Workers Watch o OFW Watch sa ilalim ng Migrante International ay may layuning tulungan ang mga kababayan natin sa ibayong dagat, kabilang na rito ang mga mangagawa sa Italya.

Sa naganap na dialogo, dumalo ang ilan representives ng OFW Watch sa bawat siyudad sa hilagang bahagi ng Italy o Lumbardy Region  na kinabibilangan ng Bologna, Turin, Modena, Como, Genova, Mantova at Milan.

Tinalakay ang bagong sistema sa pag proseso ng mga passport sa ilalim ng bagong talagang Consul General Marichu Mauro.
Kasabay na rin dito ang Overseas Workers Welfare Administration o OWWA membership para sa mga manggagawa.

Ang kasalukuyang pag-proseso na mga passport sa Milan, ayon kay Consul General Marichu Mauro, ay mula 9:00am hanggang 2:30pm samantala ang releasing naman ng mga passport ay mula 3:00pm hanggang 5:00pm.

Subalit ito ay kinundena ng grupong OFW Watch dahil karamihan sa mga OFW ang nahihirapan at nagkukulang sa oras, hindi lamang  para sa kanilang aplikasyon kundi pati sa pagkuha ng kanilang mga pasaporte. Ang ilan sa mga ito ay hindi pinapayagan ng mga amo, o kaya’y nagagahol sa oras dahil malayo pa ang pinaggagalingang lugar o trabaho.

Suhistiyon ng grupo na ipunin ang mga manggagawa sa pamamagitan ng pagpu-publish ng mga notices sa mga social networking sites na nagpapahintulot sa mas mabilis na  kumunikasyon sa kasalukuyan. Sa pamamgitan nito ay ipapa-alam ang mga kakailanganin dokumento sa renewal ng mga pasaporte upang maiwasan ang pabalik-balik sa Konsulado at walang sisingiling anumang consultation fees. Ito umano ang kanilang ginagawa noong kapanahunan ni dating ConGen Tony Morales.

Bilang karagdagan, ay hiniling din ng grupo na kung maaring ibalik sa dating proseso ang application at renewal ng mga passport.
Pinag-aralan ho namin yan, nagkaroon kami ng time and motion study ukol diyan, and we have proven that it is inefficient”, ang nagingtugon ni ConGen Mauro.

Dagdag pa niya, sa umaga ay tanggap sila ng tanggap ng processing ng mga dokumento at pagdating ng hapon ay releasing ang mga ito partikular na ang mga passport.

Samantala, ang usaping OWWA membership, ayon sa grupo, ay isa ring problema ng mga OFW sa kasalukuyan. Ang hindi pagbibigay o pagprisinta ng paga busta o INPS bilang katibayan ng kasalukuyang trabaho subalit  may employer ay hindi umano tinatanggap ng OWWA para maging member. Ganito rin maging sa mga senior OFWs, ayon sa isang OFW Watch member.

Ayon naman kay Cynthia Lamban, OWWA officer, isang membership institusyon ang OWWA na kagaya ng PAG-IBIG, SSS, at ang pondong binubuo nito ay contribution ng bawat miyembro.

Number 1, ay dapat may trabaho ka, so walang usapin kung senior o ano pa man, basta’t may trabaho ka, may requirement ka”, paliwanag pa ng OWWA officer.

Lahat aniya na puwedeng maging katibayan ng isang manggagawa na mayroong employer ay tinatanggap at maaring maging miyembro  ng OWWA, dagdag pa ni WelOff.

Subalit iginiit ng OFW Watch na ito ay taliwas umano sa Republic Act 8042 o Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995.

Dagdag pa ng grupo na ang kahulugan ng OFW na “if a person who is to be engaged, is engaged, or has been engaged in a renumerated activity in a state of which he or she is not a legal resident to be used interchangeably with overseas filipino worker”.

Sinabi pa nila na mas peligro umano ang mga undocumented OFWs maging ang mga senior citizens kung wala silang mga protection galing sa OWWA.

Gayun pa man, hiniling ng ConGen na bigyan ang kanyang tanggapan ng isang buwan upang pag-aralan ang hiling at suhestyon ng OFW Watch.

Until….sumapit ‘yong isang buwan, hindi naming masasabi  kung totoo nga o hindi” ayon sa isang officer ng OFW Watch.

Idinagdag pa niya na tadtad na umano sila sa pangako. Ipina-alala niya ang pangako ni DOLE Sec Rosalinda Baldoz noong sila ay nagkaroon ng dialogo noong June ng taon 2013 sa Turin, na hanggang sa kasalukuyan ay wala pa silang natatanggap na resulta o kasagutan mula sa tanggapan ng DOLE.

Umaasa muli ang grupo ng OFW Watch na magkakaroon na ng solusyon sa hiling nila para sa kapakanan ng mga OFW dito sa Italya.

Sa policy ni  ConGen Mauro, patuloy niyang ilalapit ang kanyang tanggapan sa Filipino community dito sa Italy.
Nakakapagod nga lang, pero masaya” sa pagwawakas ng Consul General.

Chet de Castro Valencia
photo: Jes Bautista

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

DIALOGUE sa Roma: OFWs vs. OWWA

Enrollment sa mga paaralan, gagawin online simula Jan 15