in

DIVE PHILIPPINES, Matagumpay na Booth sa FIERA BOLOGNA

Nitong nakaraang ika- 1-3 ng Abril, 2022, ginanap ang 28th EUDI SHOW (European Dive Show) sa FIERA Bologna kung saan may isang booth na pinamahalaan ni  G. GERARD PANGA , ang kasalukuyang  Philippine Tourism Attache sa London.

Sa booth na ito ay binigyan ng publisidad ang DIVE PHILIPPINES na nang-ingganya sa mga diving enthusiasts na bisitahin ang mga kilala at magagandang diving destinations sa ating bansang Pilipinas.

Ayon nga kay  G. Panga, kilala ang mga Italyano sa pagiging aktibo sa scuba diving, katunayan nito ay may 300,000 na scuba diver dito sa Italya. 

At dahil nga sa malawak na karagatan ng Pilipinas, isa sa atraksiyon nito ay ang mga diving destinations gaya ng ATLANTIS DIVE RESORT sa Puerto Galera at Dauin at ang TRESHER SHARK DIVERS sa Malapascua sa Cebu. May mga dive travel booking na nga para sa mga buwan ng Mayo hanggang Hunyo sa taong ito. Mas tataas  pa ang bilang ng mga booking sa pagsapit ng panahon ng taglamig dito dahil magtutungo ang mga Italyano sa mga lugar na mainit gaya ng Pilipinas. 

Ang Pilipinas ay nakatanggap na ng mga parangal  mula sa World Travel Awards bilang World’s Leading Dive Destination sa mga taong 2019, 2020 at 2021.

Sa ginanap na EUDI Show ay bumisita din ang Philippine Consulate General ng Milan nitong ika- 2 ng Abril,  araw ng Sabado. Kasama ni Consul General BERNADETTE FERNANDEZ ay si Consul NORMAN PADALHIN. At doon ay naging saksi sila sa pagiging isang atraksiyon ng booth sa loob ng Fiera.

Ang Philippine Department of Tourism o PDOT LONDON ay muling sasali sa TTG INCONTRI FAIR na gaganapin sa Rimini, Italy sa darating na Oktubre 12-14, 2022 at sa WORLD TRAVEL MARKET sa London sa Nobyembre 7-9, 2022. (Dittz Centeno- De Jesus – photos: Chet De Castro Valencia and PCG Milan)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bonus bici e monopattini 2022, paano mag-aplay?

Pasqua 2022, mga regulasyon sa mga religious activities