in

Fiesta ng Mabini Hometown Association dinumog

Idinaos ang ika-limang taong pagdiriwang ng Mabini Batangas town fiesta sa Milan. Ito ay dinaluhan ng dan-daang mga taga-Mabini sa Pilipinas mula sa Milan at karatig lugar ng siyudad. 

 

Milan, Mayo 9, 2016 – Masayang idinaos ang ika-5 taong fiesta ng Mabini Batangas sa Milan na alay din sa mahal na patron na si San Francisco de Paola. Dinumog ito ng daan-daang mga taga-Mabini, mga malalapit na kaibigan hindi lamang buhat sa Milan, kundi pati mula sa mga karatig lugar ng siyudad.

Sa huling talumpati ni Leonilo Castillo, ang outgoing president, sinabi niya sa mga kasamahan na ipagpatuloy nila ang pagkakaisa para sa magandang patutunguhan ng grupo lalo na’t nasa ibayong dagat.

Naging panauhing pandangal ang Philippine Consulate Genereal in Milan, Consul General Marichu Mauro at siya ang namuno sa oath taking para sa mga incoming officers.

Natutuwa ako at nakita ko ang pagkakaisa para sa inyong bayan at sana pagkatapos nitong oath taking ng mga bagong officers ay suportahan din ninyo sila”, wika ni Congen Mauro.

 

Ang mga outgoing officers na kinabibilangan nina:

President: Leonilo Castillo

Vice President: Jojo Onda

Secretary: May Villanueva

Assistant Secretary: Olive Villanueva

Treasurer: Liza Matira

Assistant Treasurer: Carling Hernandez

Auditor: Maricon Aquino

 

Ang mga incoming officers naman ay sina:

President: Olive Boongaling

Vice President: Wilma Matulin

Secretary: Maricon Aquino

Assistant Secretary: Maris Marasigan

Treasurer: Liza Matira

Assistant Treasurer: Jhun Buenviaje

Auditor: Carling Hernandez

Assistant Auditor: Juanito Maramot

 

Maliban sa pagdiriwang ng fiesta, ang naging main attraction ng  event ay ang Amateur singing contest kung saan 11 ang lumahok sa nasabing competisyon.

Nagpakitang gilas ang bawat manlalahok sa pamamagitan ng mga kantang inawit na alam ng lahat, mula sa mga sikat na music artists. 

Hanga ang lahat lalo na ang mga judges na kinabibilangan nina Professor Marilou Rauto, Zenaida Crisostomo Dacillo at Estelo Pupa.

 

Mula sa labing-isang mga contestants napag-pasyahan ng mga hurado na si Janica Deomampo ang hiranging kampeyon sa naturang patimpalak, sumunod naman si Monica Bautista at pumangatlo si Marivic Hernandez.

Nagkaroon din ng mga intermission numbers kung saan naroroon ang mga VIP kids na nagpaunlak ng isang dance interpretive religious song at cultural dance. Umawit din si Kylie Dacillo at maging ang veteran balladeer Estelo Pupa.  

Maliban dito, ay ginanap din ang awarding sa mga trophies, medals para sa kanilang One Day Basketball League 2016 na ginanap kamakailan.

At sa huling bahagi ng pagdiriwang, isang maikling talumpati ang ipinamalas ng incoming president ng Mabini Hometown Association in Milan, si Olive Boongaling.

Hiling niya ang pagsuporta sa mga bagong opisyales tulad din ng pagsuporta sa mga nakaraang lider na sina Rodel de Chavez at Leonilo Castilllo.

Nagtirik ng kandila ang mga dumalo bilang pagtatapos sa kanilang mahal na patron upang pasalamatan siya sa mga biyayang pinagkaloob sa kanila at sa tuloy tuloy ng pagkakaisa ng Mabini Hometown Association in Milan. 

 

ni: Chet de Castro Valencia

larawan ni Jesica Bautista

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Dakila ka Ina!

Paano kung walang resulta ang aplikasyon para sa family reunification?