in

Free Basic Videography Workshop, inilunsad sa Milan

MILAN, Italy – Humigit-kumulang sa 50 katao ang dumalo sa inilunsad na free basic videography workshop  ng Embassy Productions sa Milan noong Agosto12, 2012.

Karamihan sa mga dumalo ay miyembro ng  United Pinoygraphers Club (UPC), isang samahan ng mga Pinoy photographers na nagtutulungang mai-angat ang antas ng kaalaman sa nasabing larangan.

Pinangunahan ni Noel Duran,  isa ring miyembro ng club ang basic workshop.

Layunin ni Duran na maibahagi lang sa mga dumalo ang umano’y kanyang simple’ng nalalaman.

Bagamat wala pa raw siya sa advanced level, hangad niya na ang hakbang ay magsilbing daan para sa madalas na pagtutulungan o pagbabahagi ng kaalaman ng bawat isa, sa  videography o photography.

Aminado din si Duran na nais pa niya’ng palawakin ang kaalaman sa photography bagamat videography ang kanyang prayoridad na tutukan.

Walang sapat na preparasyon ang workshop dahil itinakda ito originally sa loob ng grupo lamang ngunit nag-imbita na rin ng iba pang interesado ang UPC upang mapalawak pa ang grupo.

Dumalo din ang mga UPC members mula sa Como, Italy upang ipamalas ang kanilang suporta.

Matapos ang maghapon na workshop, sinamantala ng grupo ang pagsasama-sama sa bonding moment ng mga ito sa isang public park kung saan mabibili ang mga pagkaing Pinoy. (ulat ni Zita Baron, larawan ni UPC – Ruel de Lunas)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Filipinos in Milan favor RH bill

Sino ang hihiranging Bb. Pilipinas Italy 2012?