Nagsimula na ang Online Voting noong April 13, 2025 para sa 2025 National Election, kung saan ang mga registered overseas ay boboto ng 12 senador at 1 party list. Ito ay magtatagal ng isang buwan hanggang May 12, 2025, 1:00 pm (Italy Standard Time).
WALA NG BALOTA! SA Rome, Milan at Vatican City (kabuuang 77 posts) ay may bagong paraan ng pagboto. Hindi na gagamit ng balota bagkus ay online na boboto ang mga registered overseas voter gamit ang cellphone, tablet, laptop o computer na may built-in camera. Samakatwid, wala ng darating na balota o hindi na pupunta sa embahada/konsulado para bumoto.
Una sa lahat, siguraduhin ang status bilang isang overseas active voter, sa pamamagitan ng official list mula sa Comelec. Narito ang Certified List of Overseas Voters (CLOV) mula sa COMELEC:
May dalawang mahalagang hakbang ang online voting:
- Pre-voting enrollment – hanggang May 7, 2025, 5:59 pm (Italy Standard Time).
- Online Voting – simula April 13, 2025 hanggang May 12, 2025, 1:00 pm (Italy Standard Time).
Narito kung paano gagawin ang Pre-Voting Enrollment
Bago bumoto, kailangan munang gawin ang pre-voting enrollment na magpapahintulot na makaboto ang isang botante. Ang enrollment ay maaaring gawin hanggang May 7, 2025, 5:59 P.M. local time Italy.

- https://ov.comelec.gov.ph/enroll – Sa pamamagitan ng link na ito o ng QR code na dapat i-scan ay ibibigay ang Internet Voting Enrollment Form;
- Ilagay ang sariling e-mail address, nais na password at tel. number. I-click ang ‘Enroll’
- Makakatanggap ng OTP (One Time Password).

4. Pagkatapos ay kailangang gawin ng overseas voter ang identification process. Sa bahaging ito ay ika-capture ng sistema ang facial image ng voter. Pagkatapos ay hahawakan ang kanyang ID o dokumento at ika-capture din ito ng sistema. Tandaan, ire-refuse ng sistema ang facial image at ng ID hangga’t hindi ito malinaw para sa sistema. Sundin ang susunod na instruction.


5. Susunod ang Validation Process. Dito ay ilalagay ng sistema mismo ang personal datas ng voter na na-captured ng sistema.
6. Matapos ang tamang proseso ng online enrollment, makakatanggap ang voter ng access link sa Voting Portal sa pamamagitan ng email o sms. Ang link na matatanggap sa email or cellphone number sa pre-voting enrollment ang siyang gagamitin upang makaboto gamit ang cellphone, tablet, laptop or computer.

Narito kung paano gagawin ang Online Voting
Ang Online Voting para sa 2025 National Election ay nagsimula noong April 13, 2025, kung saan ang mga registered overseas ay boboto ng 12 senador at 1 party list. Ito ay magtatagal ng isang buwan hanggang May 12, 2025, 1:00 pm (Italy Standard Time).

- https://ov.comelec.gov.ph/vote sa pamamagitan ng link na ito o ng QR code ay makakapag-log in ang botante.
- Mag log-in gamit ang username at passwordd na ginamit sa pre-voting enrollment.
- Makakatanggap ng OTP.

3. I-click ang “Click to Vote”

4. Pillin ang 12 senador at 1 party list na nais iboto.

5. Siguraduhin ang mga pangalan ng nais iboto. I-verify ang balota bago isumite: Suriin nang mabuti ang mga piniling kandidato bago i-finalize at isumite ang balota sa online voting system.
6. Sa bahaging ito ibibigay ang ballot ID at ang QR Code na patunay ng pagboto.
ADVISORY FROM THE PHILIPPINE EMBASSY IN ROME