Tagumpay na ginanap ang “Hip Hop Bologna Event” nitong ika- 22 ng Pebrero, 2020 sa Via Carlo Carli 56, Bologna. Ang mga organizers ng nasabing okasyon ay sina Twakz Rostan (DJ Twakz), Michael Bryan Henzon (Hydro Production) at Melvin Cosme (Glacierr).
Ayon kay DJ Twakz, ito ay naglalayong mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan ng Bologna at Modena na nahihilig sa Pinoy Rap na “mailabas ang kanilang mga talento” sa ganitong uri ng sining at para na din “hindi mawala ang hiphop music” sa mga lugar na ito. Isinagawa din nila ito ayon kay Melvin Cosme upang ipaalam sa ibang nahihilig sa ganitong musika na maari silang “makiisa at makipag-uganayan”.
Ang mga naging performers ng kanilang mga orihinal na komposisyon ay ang mga sumusunod:
- Lefthanders ng Modena (Pinangungunahan nina Marco Ferrer aka Ghaztadoh at John Ridge Corona aka JRC, “Sama sama”, “Life is Short”, “Boka”, “Matsing”)
- Hydro at Glacier (Michael Bryan Henzon at Melvin Cosme, “Ang Iyong Halaga”, “Bakit Ngayon Lang”,“Singkit”, “Halaga”, “Anghel”)
- Kumpadree at L.O.D. ( Christer Noyel Hidalgo at Marc Danelle, “Kanlurang Bahagi”, “Dadalhin Kita”)
- Markush (Mark Atienza, “Pakipot”, “Pabagu-bago ng Isip”)
- Lil Aw (Vilmor Javier, “Mahal Kita”)
- Sonixyo (Rederij Pawagan, “I’m Back”)
- Hydro at Canali ( Michael Bryan Henzon at Canali Cabrera, “Sarap Mong Mahalin”)
Kasali din sa mga nag-perform sina Vilmor Javier, Vlad Viloria at Stefhany Dolor Hernandez. Naniniwala si Michael Bryan Henzon, na ang mga pagkakataon na ganito ay importante sa komunidad ng manggagawang Pilipino sa Italya upang mabigyan din ng pagkakataon ang pakikipag-socialize o kapwa-tao at magsilbing lugar kung saan “mailalabas nila ang kanilang mga talento at saloobin”. Bilang suporta sa komunidad ng mga Pilipino, ang Hydro Production (YouTube channel: Musikalye Official) ay maaring tumulong sa recording and vocal arrangement ng mga gustong mag rekord ng kanilang mga kanta.
Upang maipagpatuloy ang pagtangkilik sa mga Pinoy rappers dito sa Italya, naglalayon ang mga organizers na magsagawa ng patimpalak ngayong taon. Maaring makipag-ugnayan ang mga gustong sumali at gayon din ang mga samahang Pilipino na gustong sumuporta bilang mga sponsors kay DJ Twakz sa kanyang pahina sa facebook (hanapin ang:Twakz Rostan). ni: Elisha Gay C. Hidalgo