in

Ika-122 taong Anibersaryo ng Pagkabayani ni Rizal, ginunita sa Italya

“Talino at Malasakit sa Isa’t-isa, Pundasyon ng Isang Malaya at Maunlad na Bansa”

Roma – Ginunita noong nakaraang Dec 30, 2018 sa Roma ang ika-122 taong anibersaryo ng Pagkabayani at Kamatayan ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal.

Sa pangunguna ni Chapter Commander Knights of Rizal Rome Auggie Cruz at Norberto Fabros, Supremo ng PDGII Guardians na isa ring miyembro ng Knights of Rizal at sa pakikipagtulungan ng Philippine Independence Day Association o PIDA ay muling naisagawa sa ika-10 taon sa sa makasaysayang Piazzale Manila sa Roma ang paggunita sa mahalagang araw na ito. Sa nasabing lugar ay matatagpuan ang bantayog ng pambansang bayani.

Sa naturang okasyon ay pinangunahan ng mga panauhing pandangal na sina H.E. Ambassador Domingo Nolasco ng Phlippine Embassy to Italy at Hon. Charlie Manangan, Charge d’Affaires Phil. Embassy to the Holy See ang pagtataas ng bandila ng Pilipinas at seremonya ng pag-aalay ng bulaklak sa harap ng bantayog ng bayani kasama ang Knights of Rizal Rome at Florence Chapter, PDGII Guardians, The Fraternal Order of Eagles Vatican City Eagles Club, Vatican Knights Eagles Club, The Roman Cavaliers and Vatican City Lady Eagles Club, Hugpong Federal at mga kilalang personalidad at Filipino leaders sa Roma na taunang nagaalay ng kanilang mahalagang oras para sa makabayang selebrasyon.

Kasabay ng magandang panahon ay nadama ang mainit na paggunita sa mga kadakilaan, pagkamartir at pagmamahal sa ating bayan na pawang iniwang aral at halimbawa ng ating pambansang bayani. Ang kanyang malaking ambag sa kalayaan hanggang ang magbuwis ng buhay ay mga katangiang ating tatanawin habambuhay at bibigyang pugay.

Ang Kabataan ang pag-asa ng Bayan”, ito ang iniwang aral na bayani at ito rin ang iniwang hamon sa lahat ng panauhing dumating sa pagtitipon. Mga kabataang magpapatuloy ng bawat aral at magandang simulain sa pagmamahal at pagbibigay pugay sa ating Inang bayan.

PGA

Milan – Ika 28 ng Disyembre 2018, sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinagdiwang sa bagong gusali ng Philippine Consulate sa Milan ang pag-gunita sa ika-122 taong anibersaryo ng kabayanihan ni Gat. Jose Rizal. Nagsimula ang programa ganap na ika-lima ng hapon.

Pinangunahan ni Consul General Irene Susan Natividad at Emerson Malapitan, Knight Commander of Rizal ang pag aalay ng bulaklak. Nagkaroon ng film showing tungkol sa pagbisita ni Jose Rizal sa bansang Italya. Sa talumpati ni Consul General Natividad, ipinaalala niya ang dakilang sakripisyo at kabayanihan ni Rizal.

Sa panghuling bahagi ng programa, binasa ni Emerson Malapitan KCR ang KUNDIMAN, isa sa mga tula na gawa ni Rizal na ang tema ay ang pagpapakita ng kanyang matinding pagmamahal sa inang bayan.

Kasama ang mga empleyado ng konsulato, dumalo rin sina Gng. Thelma Divino ang bagong talaga na Cultural Officer sa Konsulado ng Milan, Consul Manuel Mersole Mellejor, Vice Consul Flaureen Dacanay, mga miyembro ng Knights of Rizal at Kababaihang Rizalista sa Modena at mga piling panauhin.

larawan ni Jessa Krysia Malapitan

 

Modena – Ika-30 ng Disyembre 2018, nagsagawa rin ang Knights of Rizal at Kababaihang Rizalista Modena Chapter ng kanilang taunang pag-gunita sa kabayanihan ni Gat. Jose Rizal.

Sinimulan ang programa sa pag-awit ng Lupang Hinirang, ang pambansang awit ng Pilipinas ganap na ika-anim ng hapon.

Naging makabuluhan ang pag-gunita sa ika-122 anibersaryo ng kabayanihan ni Rizal sa Modena sa pamamagitan ng pag-aalay ng bulaklak ng mga miyembro ng Knights of Rizal, mga Kababaihang Rizalista at mga panauhin.

Pinangunahan ni Emerson Malapitan, Area Commander ng Knights of Rizal sa Italy ang pagpupugay kay Rizal kasunod ang pagbasa sa mga ginawa ni Rizal tulad ng kanyang mga “Kasabihan”, “Kundiman” at “Ang Huling Paalam”.

Nanumpa rin ang mga bagong halal na opisyal ng Knights of Rizal sa Modena at iginawad kay Sir Dionisio Adarlo ang 3rd Dergree Rank na Knight Commander of Rizal bilang bagong Chapter Commander ng Modena. End

KORmodena

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ano ang Straniero Temporaneamente Presente o STP?

Holy Face of Jesus mula sa Pescara, pinaghimalaan ang isang bata sa Nampicuan, Nueva Ecija