in

Ika-5 taon ng Santacruzan ng Sentro Katoliko Filipino, ipinagdiwang sa Empoli

Muling ginunita sa ika-5 taon ng Sentro Katoliko Filipino-Sant’Andrea ang pagdiriwang ng taunang Santacruzan sa Empoli. 

 

 

Empoli, Hunyo 5, 2017 – Kilala ang  Sentro Katoliko Filipino-Sant’Andrea, ang komunidad ng mga Pilipino sa Empoli sa rehiyon ng Toscana,  dahil sa pagdiriwang ng taunang Santacruzan. Umabot na ang pagdiriwang na ito sa kanilang ika-5 taon. 

Noong ika-28, 2017 ng Mayo sa Palazzo delle esposizioni sa Empoli ay muling ginunita ang nasabing banal na pagdiriwang sa pangunguna ng kanilang butihing chaplain na si Rev. Fr. Crisostomo Cielo Crisostomo, Jr.  Ang tema ng santacruzan ngayong taon ay “Maria: Ina at gabay ng pagkakaisa“. Ayon sa kay Fr. Cris, “Sa isang komunidad, makakamtan ang himalang inaasam at ipinagdarasal kung magkakaroon ng pagkakaisa at pagtutulungan”.

Naging makulay ang selebrasyon dahil sa presensya ng maraming mga delegasyon mula sa iba’t-ibang samahan ng mga pilipino para ipapakita ang ating kultura at tradisyong, ang pagiging makadyos at ang partikular na pagmamahal at pagbibigay pugay sa Mahal na Birheng Maria. Hindi naging hadlang ang init ng araw na iyon para maipamalas ng mga nakiisa ang kanilang dedikasyon sa relihiyosong pagdiriwang.

Nagbigay ng kanilang mensahe ang mga panauhing pandangal na sina  Hon. Marilou Legayada Ortigas, Cultural Attache’ ng Philippine Embassy to the Holy See (Vatican City) . Ayon kay Hon. Ortigas, ang pagdiriwang na ito ay hindi lamang importante dahil sa kanyang religious meaning kundi para din magkaroon ng oportunidad ang mga pilipino na magkatipon-tipon at mailayo ang bawat isa sa iba’t ibang bisyo at maiwasan ang mga gawaing hindi maganda. Inaasahan nya na muling magkaroon ng pagkakataon na makabalik at makiisa sa mga komunidad, dala-dala ang presensya ng embahada ng Pilipinas sa Vatican.

Pinuri naman ni Dott. Fabio Fanfani, Consul General ad honorem ng Pilipinas sa Toscana, Umbria, Marche, Emilia Romagna at Republic of San Marino ang magandang komunidad ng Empoli na kilala bilang isang malaking pamilya na tahimik ngunit aktibo sa lahat ng mga aktibidades, maging relihiyoso man ito o sibiko. Ayon sa kanya, ang mga problemang hinaharap ng bawat isa ay gagaan kung ito ay pagtutulong-tulungan ng mga kasama sa komunidad. Sa kanyang pagkakakilala sa kulturang pilipino, tayo ay may kakayahang hubugin ang mga kabataan patungo sa mas magandang kinabukasan.

Hindi rin nagpahuli sa pagbibigay ng papuri at pasasalamat sa komunidad ang parish priest ng Sant’Andrea na si Don Guido Engels. Ayon sa kanya, ang presensya ng mga pilipino sa kanilang parokya ay malaking bagay dahil sa kanilang taglay na enerhiya na naibabahagi sa buong parokya. Nagiging makulay umano ang parokya kung nagtutulong-tulungan ang lahat ng mga komunidad. Nakakataba ng puso ng bawat isa ang makitang nagkakaisa ang mga Pinoy sa kanyang parokya sa pagpapakilala ng tradisyong relihiyoso sa kanyang nasasakupan.

 

Gumanap bilang Reyna Elena ngayong taon si Pamela Rabbon (Timpuyog Firenze). Reyna de las Flores naman si Elaiza Nicole Escalona (Timpuyog Firenze), at ang Constantino naman ay si Alexis Fritzroy Valdez (Filipino Catholic Community-Prato).

Marami ang dumalo at nakisaya sa pagdiriwang ng taong ito kabilang ang mga sumusunod na panauhin at mga samahan:

Philippine Embassy to the Holy See – Vatican City

Confederation of Filipino Communities in Tuscany 

FEA – Empoli

UNIFIL – Empoli

FILCOM – Empoli

TGBI-TO / GUARDIANS Brotherhood INC. – Empoli

PH Bikers – Empoli

Sto. Rosario Filipino Families of Firenze

Filipino Catholic Community of Livorno

Filipino Catholic Community of Prato

Filipino Catholic Community of Firenze

Order of the Knights of Rizal Firenze Chapter

OFW Watch Italy & Tuscany Chapter

Samahang Ilocano Toscana

Gabriella Women’s Group Toscana

Kababaihang Rizal – Firenze Chapter

TIMPUYOG Group – Firenze

Antipolo San Agustin Alaminos Group – Firenze

Kapisanan Buklod ng Pagkakaisa – SAIMSIM Firenze

Comunità Greco Cattolica Romena – Firenze

UGOWF POGGIBONSI – Siena 

GUARDIANS International (GI) 1ST Legion – Montecatini Terme

GBI TBBG Italy

Hindi nakaligtaang magpasalamat ng buong komunidad sa Poong Maykapal sa araw na iyon na nagkaroon bilang kulmine ng pagdiriwang ng Banal na Misa na sinundan ng kantahan, sayawan, at salu-salo ng lahat ng mga nagsidalo. Taos pusong pasasalamat ni Fr. Cris sa buong  Pamilya ng SENTRO KATOLIKO FILIPINO – EMPOLI na siyang naging ulo, kamay at paa para maging matagumpay at makabuluhan ang selebrasyon, kasabay ang kanyang pagbabasbas sa bagong buong Pastoral Council ng sentro katoliko. 

 

ni:  Quintin Kentz Cavite Jr.

 

Bashing rin:

Ano ang Santacruzan?  

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

1,500 Euros para sa mga employers ng babysitters at caregivers, ang bonus mula sa Comune di Milano

Ano ang Santacruzan?