in

Ikalawang taon ng DANZiklaban, tagumpay!

Matagumpay ang ginanap ang ikalawang edisyon ng Danziklaban 2018 sa Roma nitong Nobyembre kung saan walong mahuhusay na dance groups ng mga kabataan ang nagpakitang-gilas.

Naglaban-laban ang mga grupong Nemesis, J’S Crew, Jinza, Femmes, Hermanos at D’Last mula Roma. Samantala ang Infinity Love Dance Crew at Psycom Crew ay nagmula naman sa Milan.

Sa kabila ng mas malaking venue kumpara noong nakaraang taon, ay naguumapaw pa rin ang mga kabataan at mga supporters ng mga dance groups.

Hindi po naming inasahan ang ganito karaming tao ang sususporta sa Danziklaban 2018”, ayon kina Alex Gunda at Kreus Maaku, ang mga organizers ng nasabing kumpetisyon.

Ayon pa sa mga organizers, ay pumalo umano sa 600 katao ang mga dumalo sa taong ito kumpara sa 400 katao noong nakaraang taon.

Sa katunayan, bago pa man magsimula ang kumpetisyon ay mahabang pila ng mga ‘cheerers’ at ‘fans’ na ang sumalubong sa venue.

Halos mayanig ang teatro dahil rin sa husay at puno ng enerhiyang mga lumahok na kabataan. Ang lahat ng grupo ay tunay namang nagpakita hindi lamang husay at talento bagkus pati ng pagmamahal sa pagsasayaw.

Hindi magkamayaw sa sobrang lakas ng tilian bilang suporta sa kanya- kanyang grupo. Partikular, bukod sa mga kabataan, ay makikita rin ang full support ng mga magulang, kapatid, pamilya at kamag-anak ng mga contestants.

Super talented at talagang pinaghandaan po ng lahat ang competition”, kumpirma ni Alex.

Kaugnay nito, inamin ng Psycom at Infinity Love Dance Crew na iba ang taong ito kumpara noong nakaraang taon.

Mataas po ang tension this year. Magagaling at nag-improved po lahat ng mga grupo”, ayon sa 2 grupo.

Dahil dito, tulad noong nakaraang taon, mga batikan at mahuhusay na mga hurado ang sinala ng mga organizers. Sila ay sina Michele Garofalo, Beatrice Alessi, Neji Anas, John Delima at Chase Dasalla na nagpatikim ng kani-kanilang talento sa naging ‘brief performance’ bago magsimula ang kumpetisyon.

Matapos ang masisiglang presentasyon ng walong grupo ay tinanghal na Champion ang Femmes, ang nag-iisang grupo na binubuo ng mga kababaihan. Pumangalawa naman ang Hermanos, grupong binubuo naman ng mga kalalakihan at pumangatlo ang D’Last.

Hindi po namin inaasahan ito…. Sembra un sogno!”, ayon sa miyembro ng Femmes.

Halos mapaluha naman sa tuwa ang dalawang choreographers ng Femmes at Hermanos na sina Jefferson Kreus at Allen Gunda dahil sa nakamit na tagumpay ng dalawang grupo.

Lubos rin ang pasasalamant ng mga organizers sa nag-uumapaw na tagumpay ng kumpetisyon at literal na naguumapaw na venue.

Ito ay nangangahulugan din ng katuparan ng layunin ng Danziklaban 2018 na makatulong sa mga street children at families sa nalalapit na Enero sa Tuwi at Balayan Batangas at Santa Rosa Laguna.

Sa susunod na taon ay aming paghahandaan po talaga, mas malaking venue para mas kumportable at mas marami pa ang makakanood”, pagtatapos ng dalawang organizers.

Special Awards:

People’s Choice Award: Leslie De Joya – Jinza

Best Female Performer: Angela Singson Jose – Femmes

Best Male Performer: Daniele Cipriano – Hermanos

Solista: Daniele Cipriano – Hermanos

Best in Opening Production Number: Infinity Love Dance Crew

Best Costume: D’Last

Best Logo: Hermanos

https://www.facebook.com/boyet70/videos/10155960845258481/

 

PGA

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

3 flights linggo-linggo mula Malpensa via Kuwait City simula Oktubre

Nag-expired ang permit to stay habang nasa Pilipinas, maaaring mag-aplay ng re-entry visa?