in

“ILO Convention on Domestic Workers”

Mga kasambahay: karapatan at obligasyon para sa maayos na pamumuhay isang seryosong pagpupulong sa Roma upang patuloy na isulong ang advocacy ng mga konsehal, proyektong pinagkaisahan at sinang-ayunan ng mga institusyon at grupong dumalo sa conference sa pangunguna ni Konsehal Romulo Salvador.

altSuportado ng Roma Capitale ang ILO Convention on Domestic Workers na inorganisa ni Konsehal Romulo Salvador, kasalukuyang “Delegato del Sindaco per l’integrazione delle comunità straniere”, sa pakikipagtulungan ng Department of Cultural Affairsand Historical Center of Roma Capitale noong ika-24 ng Nobyembre taong kasalukuyan. Ang nasabing convention ay ginanap sa Sala Pietro da Cortona – Musei Capitolini na dinaluyan ng mga dayuhang manggagawa, mga institusyong lokal, labor union, kinatawan ng mga Embahada ng Pilipinas, Ucraine, Ecuador, Venezuela, Filipino community coordinators at asosasyon ng mga iba’t ibang lahi.

Ang ideya ng conference ayon kay Romulo Salvador ay mabigyang pansin ng gobyernong italyano ang mabilis na pagretipika at maisabatas ang ILO Convention 189 sa Italya.  Ayon pa kay Salvador, ito ay parte ng pakikipagtulungan ng mga Pilipino sa Italya at ibang parte ng Europa. Si Fe Husay, coordinator ng grupong Respect, piniling tagapagsalita sa convention, isang samahan ng mga Pilipino sa Europa na siyang naglobby sa Geneva para sa botong pinal ng United Nations na ginanap noong June 17, 2011.

Naging bukas palad si Salvador bilang konsehal at maagap na naisagawa ang isang seryosong pagpupulong sa Roma upang patuloy na isulong ang kaniyang advocacy, proyektong pinagkaisahan at sinang-ayunan ng mga konsehal sa Roma.

Kasama sa mga adhikain ni Salvador na ipaunawa ang kahalagahan ng bagong panukalang batas sa karapatan ng mga domestic workers o kasambahay sa buong mundo, ang trabahong may dignidad lalo’t higit sa bansang Pilipinas na sinang-ayunan naman ni Mayor Alemano. Tinalakay rin ni Mayor Alemano sa kaniyang pananalita, ang kahalagahan ng citizenship sa mga dayuhang matagal nang naninirahan sa bansang Italya. Ayon sa kaniya ang citizenship ay dapat magmula sa kagustuhan ng isang migrante.

Malinaw na ang trabahong pambahay o domestic work ay sumasaklaw sa pag-unlad ng mga bansang papaunlad  na hanggang sa kasalukuyan hindi pa rin nakikita ng mga kasambahay na sila’y kinikilala at napoproteksiyunan sa kanilang karapatan tulad ng minimum salary.   

“The conference was an excellent initiative for our Italian partner agencies/leaders  and various multiethnic groups and their leaders, communities to be not only aware of the ILO Convention but more so to help advocate or campaign for its ratification” ang wika ni Labor Attache Chona Mantilla ng Labor Office sa Roma. Pinapurihan ni Mantilla si Romulo Salvador at ang grupong nag-organisa at nagsagawa ng pulong.

Ang malawak at aktibong partisipasyon ng iba’t ibang grupo at leaders mula sa gobyerno, non-government organizations, sector ng paggawa, grupo ng mga employers at mga manggagawa mula sa mga komudidad ay magandang indikasyon na ang ILO convention ay kilalanin at maretify kahit alam natin na ito’y may mahabang proseso. Ang mahalaga, ayon pa kay Mantilla, ay ang pagtanggap at positibong sagot na nakukuha ng ILO Convention 189.

Ang mga resourse persons na dumalo tulad nina Nonoi Hacbang, Director of CFMW – Europe at member ng Respect Network, Fe Jusay, Coordinator of Respect Network in Europe, Luigi Cal, Director of ILO for Italy, On. Roberta Angelilli, Vice Presidente del Parlamento Europeo, On.  Gilberto Casciani, Presidente Commissione Affari Comunitari e Internazionali Regione Lazio, On. Federico Rocca, Delegato del Sindaco rapporti con l’Unione Europea, ay nagbigay ng balanseng overview tungkol sa katayuan ng mga domestic workes hindi lamang sa Italy pati na rin sa buong mundo. Iprenisenta rin nila ang mga pakinabang, benepisyong nakamit pati na rin ang mga concerns, challenge na kailangan pang iparating.

Kapansin-pansin ang pagkakaisa at pagkakasundong magtatrabaho ng samasama ang mga grupo tulad ng labor unions, employers groups, government and non-gov’t, volunteer agencies para sa  kapakanan at proteksyon ng mga domestic workers upang makamit ang layunin.

Magandang halimbawa ang isang video presentation tungkol sa mga domestic workers na patunay sa kanilang karanasan at umaasang makamit ang magandang kinabukasan, mapaayos ang lehislasyon, mas maayos na working conditions kasama ang sahod, kaligtasan sa trabaho at iba pang karapatan at benepisyo ng mga migrante.

“Our Secretary, DOLE Sec. Rosalinda D. Baldoz welcomes this activity, consultation and advocacy with stakeholders regarding the ILO Convention on Domestic Workers (189), not only to address gaps, issues and concerns, but more so to help facilitate speedy ratification of Convention 189,  Sec. Baldoz, has highlighted the Philippine Government’s continuous and consistent leadership in protecting domestic workers at both national and international levels.  By chairing the committee at the 100th session of the ILO in which Convention 189 was adopted by an overwhelming number of votes, the Philippines highlighted its role as champion for the protection of domestic work in the  country and the world.  In fact , DOLE is also working, at the local, Philippine setting, for the passage of the Kasambahay Bill, which she said has been considered by the President as urgent and has gone through several Congressional hearings”, dagdag pa ni Labor attaché Chona Mantilla.alt

Sinasabi ng datos na ang domestic workers ay may mahalagang kategoriya sa ating sosyedad, kung saan ang mga ito ay kumakatawan sa 4 at 12% ng trabahong may sahod. Ang kalkulasyon ayon sa mga datos, may 54,000 na domestic helpers sa Italya subalit ayon naman sa mga eksperto, ang bilang ng mga ito ay maaaring umabot sa 100,000 at sa bilang na ito ay may hindi rehistrado o nakatago.    

Kaya’t ang layunin ng conference ay alamin ang opinyong pampubliko at ng mga instutusyon tungkol sa kahalagahan ng aspetong sosyal at ekonomiya kung saan ang kategoriya ng mga domestic workers ay may kontribusyon sa pag-unlad ng sosyedad. (Liza Bueno Magsino)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ang Money Transfer at Batas bilang 148 ng 14/09/2011

THE PHILIPPINE AMBASSADOR TO THE ITALIAN REPUBLIC PRESENTS HIS CREDENTIALS TO THE PRESIDENT OF ITALY