in

INC Evangelical Mission On-Air and Online – Tagumpay!

Roma, Pebrero 2, 2015 – Masiglang nakibahagi ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa  Worldwide Evangelical Mission On-Air and Online na isinagawa noong Enero 16-17, 2015.  
 
Sa kabila na ang relihiyong ito ay nakatatag na sa mahigit 100 na bansa at teritoryo sa 6 na kontinente ng mundo, ang mga miyembro nito ay masigasig pa rin sa kanilang pagmimisyon. Hindi lamang sa pamamahagi ng kanilang magasin na God's Message o Pasugo, at pagpapadalo ng mga panauhin sa mga isinasagawang mga pagsamba, isang pamamaraan din ng pagmimisyon ang paggamit ng makabagong teknolohiya gaya ng internet.
 
 
Upang magkaroon ng access sa mga programa On-Air at Online, hinikayat ang lahat na i-download ang android at iOS mobile apps para kumonekta sa mga link na ito:
http://incmedia.or/content/live-stream/ – para sa INCTV Live Online
http://www.dzem954.com/ – para sa INCRADIO Live Online

 
Ibinahagi sa mga manonood at mga tagapakinig ang mga salita ng Diyos gamit ang iba't-ibang linguahe bukod sa wikang Filipino tulad ng English, German, French, Spanish, Italian, Nihonggo/Japanese, Korean at Mandarin dahil naka-broadast ang aktibidad sa iba't-ibang time zones.  Gumamit din ng iba't-ibang dialect para sa ating kapwa Pilipino gaya ng Hiligaynon, Ilocano, Bicolano, Cebuano at Kapampangan.
 
Matapos ang isinagawang aktibidad ay inanyayahan ang mga panauhin na daluhan ang mga isinasagawang pagsamba at doktrina sa loob ng Iglesia Ni Cristo.
 
Dito sa Roma ay may dalawang lokal at ito ay ang mga sumusunod:
Lokal ng Roma – Via Viguzzolo 16, Roma 00166
Lokal ng Prenestina – Largo Falvterra 12, Roma 00178
 
Ang lokal ng Roma ay nakapagtala ng halos 200 panauhin sa isinagawang pagsamba noon 25 Enero 2015. Ilan sa mga panauhin na Italiano at mga taga-South America ay nagpahayag ng interes na ipagpatuloy ang pagsusuri at pag-aaral ng mga doktrina so loob ng INC na mula lahat sa Biblia.
 
 
Ipinagpatuloy naman ng lokal ng Prenestina ang pagsasagawa ng doktrina sa kani-kanilang area o grupo na pinangunahan ng kanilang Pastor gamit pa rin ang internet kung saan ang mga area ay naka-link kung saan naroon ang tagapagturo.
 
 
Sa pangunguna ni District Minister Ramil S. Regino, inaasahan na sa taong ito ay madaragdagan pa ng dako ng pagsamba dito sa kapitolyo ng Italia dahil sa sigla, sipag at sigasig ng mga kaanib sa kanilang ginagawang pagmimisyon.
 
 
Angela Benjamin
larawan nina: Junelyn Barcebal at Dada Rivera
 
 
 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Halaga ng sahod ng family reunification ngayong 2015

Sinulog Festival 2015, ginanap sa Bergamo