in

ISEE, isang deklarasyon sa bawat 6 ay di-makatotohanan

Isee o indicatore della situazione economica equivalente – isinumite sa Palazzo d’Accursio Comune di Bologna. Kabilang din ang mga Pilipino sa nagsumite ng nasabing deklarasyon upang makatanggap ng benepisyo.  

Bologna, Oktubre 14, 2013 – Halos 11,000 ang ISEE declaration na isinumite noong nakaraang 2011 ng mga pamilya sa Bologna na nagnanais na makatanggap ng benepisyo para sa paaralan – mas mababang fees para sa meals at school bus ng mga mag-aaral.

Ang 66.4% ng kabuuang bilang ng mga aplikasyon o 7.247 ay buhat sa mga Italian families at 33.6% o 3.669 naman ng mga deklarasyon ay buhat sa mga magulang na dayuhan; kung saan 449 ang buhat sa mga Moroccans, 399 mula Bangladeshi, 396 mula Romanians, 392 mula Filipinos at 205 Albanians.

Ang Palazzo d’Accursio ay nagsuri sa mga isinumite na ISEE declaration at napatunayan na halos 109 ISEE sa loob ng 689 na sinuri ay naghayag ng maling deklarasyon.

“Gagawin ang paniningil sa halagang dapat ibinayad ng mga pamilya – ayon sa direktor ng tanggapan ng Entrate, Mauro Cammarata – at ire-report din ang mga pangyayari sa Procura”. Mga pagkakamali, maaaring sa ganitong paraan ito tawagin; mula sa deklarasyon ng mas mababang sahod o ang pag-uulit sa deklarasyon na dapat sana ay taun-taon base sa taunang sahod ng buong pamilya batay sa family composition ang natuklasan matapos ang ginawang pagsusuri.

Mas malalim na pagsusuri ang ginawa sa mga pamilya ng imigrante sa nasabing lungsod at sa kasamaang –palad ay napatunayan ang mga di-makatotohanan o pekeng deklarasyon ng 68 o ang 18,4% sa loob ng 370 random control na ginawa ng tanggapan. Samantala, mas mababa o 41 katumbas ng 12,8% naman sa loob ng 319 deklarasyon ang napatunayang peke sa mga Italian families.

“Simula noong 2012, multa at parusa ang ipinatutupad para sa mga false declaration ng ISEE – dagdag pa ni Cammarata. Ngunit tunay rin na maraming nakakaligtas sa mga mali o pekeng deklarasyon sa mga pagsusuri”. Pagkakataong di naman pinalampas ni Borgonzoni, isang konsehal ng lungsod mula Lega Nord “Palitan ang sistema at ibigay ang benepisyo sa totoong nangangailangan”.

Inaasahan, gayunpaman, na pawang tunay, makatotohanan o walang sinadyang pagkakamali sa mga isinumite na ISEE declaration buhat sa 392 pamilyang Pilipino ng lungsod.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pagtanggi ni Grillo: “Mali ang pagtatanggal sa reato di clandestinità”

Citizenship: Ano ang ibig sabihin ng “il decreto di concessione è alla firma”