Rome, Enero 31, 2014 – Muling umarangkada ang mag-asawang Jeff at Karen Ocampo at nagbalik sa JAO’s CUP One-day League with PBA Legends na sina Bong “The Specialist” Ravena, Noli “The Tank” Locsin at Alvin “The Captain” Patrimonio. Ginanap noong January 26 sa Torrevscchia Roma.
Puno ang gym, nakakabingi ang tiliian ng mga ‘tifosi’ at di magkamayaw ang mga fans.
Wala pa ring kupas ang mga PBA legend players at talagang iniidolo pa rin ng mga basketbolista sa Roma. Bagaman retired na, ay mainit pa rin ang pagtanggap sa mga ito. Walang patid ang tilian at kinikilig na nagpa-picture ang mga kababaihan na halos maging hadlang sa exhibition game hanggang sa dinner meet and greet sa mga panauhin.
Matatandaang ginanap noong nakaraang taon ang Champ’s of the Champion kung saan naging panauhing pandangal Bal “The flash” David at si Marlou “The skyscaper ” Aquino.
Sa taong ito ay anim na team ang naglaban-laban, hinati sa Serie A (Dream team, CIMG-Eagle at Lemery) at Serie B (Taal-Laurel, Cinodromo, Peronians). Naglaban sa Serie A finals ang Dream team (32) vs CIMG-Eagle (21). Hinirang na MVP si Demi Cruz na nagkaroon ng 32 points. Samantala, sa Serie B finals naman ay naglaban ang Taal-Laurel (50) vs Cinodromo (49) at si Enrico Tiu ang MVP sa score na 21 points.
Naglaban sa exhibition game ang Serie A Champion Dream team vs Serie B Champion Taal-Laurel with PBA legends sa final score na 29 vs 52. Best Player si Bong “The Specialist” Ravena sa score na 34 points including 8 three-points shots.
Best Coach si Arghie Banag of Dream team sa Serie A at si Faustino Maramot of Taal-Laurel ng Serie B.
“Laban lang po tayo! Alam ko pong malungkot ang buhay sa abroad dahil malayo sa pamilya ang ilan sa inyo”. Ito ang mensahe ni Alvin Patrimonio matapos ang laro. Ayon pa sa manlalaro, inaasahan nya ang pagbalik sa bansang Italya.
Kitang-kita ang tuwa sa tatlong panauhin sa kanilang pagbisita sa Roma. Ito umano ay di lamang upang magbigay aliw kundi ipaalala na bukod sa trabaho ay mahalaga rin ang kalusugan at samakatwid ang pag-ukulan ng pansin ang sports.
Lubos din ang pasasalamat ng organizer sa mga sumusuporta sa JAO"s cup. “Sana sa ganitong paraan ay nabibigyan namin kayo ng ngiti at kasiyahan. Kayo po mismo ang inspirasyon upang magtuloy-tuloy ang ganitong mga proyekto, kaya"t hangga’t nandiyan ang mga kababayan natin ay patuloy ang mga proyekto ng JAO"s cup”, pangako ni Jeff sa pagtatapos ng liga.
Gayunpaman, ay inaasahan ang JAO’s cup with PBA LEGENDS III sa pakikipagtulungan ng ating Butihing Ambassador Virgilio Reyes, Consul General Leila Lora-Santos at Vice Consul Atty.Jarie Osias at ang PIDA (Philippine Independence Day Association). (PG, Famy Photography)