in

Le Tour de Filipinas, sisimulan

altRome, Abril 13, 2012 – Simula bukas April 14 hanggang 17 ang gaganaping Le Tour de Filipinas at haharap sa 502-kilometrong karera simula sa Sta. Ana, Cagayan at magtatapos sa Burnham Park sa Baguio.

Ang limang local teams ay makikipagsabayan sa 11 foreign entries ng 2012 Le Tour na binubuo ng 75 locals at foreign riders.

Ang local teams Go21, LPGMA/American Vinyl, Mail and More, Kia at Jinbei ay lalaban sa mga foreign squads ng TPT Cycling (Iran), Te­renganu (Malaysia), Suren (Uzbekistan), Aisan Ra­cing Team (Japan), Dutch Global Cycling Team (Netherlands), CCN (Chinese Taipei), OCBC (Singapore), Pure Black (New Zealand), Plan B (Australia), RTS/GiandKenda (Taiwan) at Colossi Miche (Indonesia).

Karamihan sa Filipino riders ay nag-bike lang mula sa Nueva Vizcaya bilang warm up para sa karera.

Ang 155-km Stage 1 ay mula Port Irene sa Sta. Ana hanggang Tuguegarao, Stage Two (110km) ang Tuguegarao-Cauayan City, Stage Three (102-km) ang Cauayan-Bayom­bong, bago ang pahirapang 153-km Stage Four hanggang Baguio.

Regular na sa Asia Tour calendar ng UCI (Union Cycliste Internationale) ang Le Tour de Filipinas.
Pangungunahan ni Bert Lina ang presentor ngayong taon na Air21, kasama sina Dynamic Outsource Solutions, Inc. (DOS-1) pre­sident at race organizer Gary Cayton, PhilCycling president Abraham Tolentino, at dating Tour champion at Eagle of the Mountain Paquito Rivas ng race management group Phi­lippine National Cycling Association ang opening ceremonies at welcome dinner na iho-host naman ni Cagayan Rep. Jackie Enrile.

Muling tumulong ang Smart Communications Inc. sa Le Tour, bilang halimbawa ng pagsuporta sa sports development.

——
Le Tour de Filipinas o ang Tour of the Philippines ay ang opisyal na titolo ng bicycle tour na ginaganap tuwing tag-init (Abril-Mayo) sa Pilipinas.

Ito ay tinawag ring Tour of Luzon (1955), Marlboro Tour (1979), Tour of Calabarzon (2002), Tour Pilipinas at Padyak Pinoy (Wikipedia)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

MILAN PCG conducts mobile consular services in Modena

Buwis sa mga bahay sa labas ng bansang Italya, makakaapekto sa 600,000 imigrante