in

Mabini and Friends at ang bagong pamunuan 

Isa ang Mabini and Friends o mas kilala bilang MAF sa Firenze sa mga aktibong asosasyon na nakapaloob sa Confederation of Filipino Associations in Tuscany. 

Sa pangalan pa lamang ng samahan ay malinaw na ang pinagmulan ng asosasyon. “Mabini” dahil lehitimong mga taga Mabini ang utak sa pagbuo at pagkakatatag nito. “FRIENDS” dahil kasapi ang mga kaibigang kasama ng grupo sa lahat ng oras. Mula sa kuwentuhan at bonding ng mga ama ng tahanan, hanggang sa zumba sessions ng mga ilaw ng tahanan at ng kanilang mga anak ay opisyal na nabuo ang magandang samahang ito noong taong 2018. 

Ang unang namuno bilang presidente ay si Pilita Mahiya Cantos, samantalang si Moren Barcenas naman ang tumayong bise presidente. Ngunit makalipas ang hindi mahabang panahon ay nagkaroon ng pormal na pagpupulong ang samahan sa kadahilanang hindi na maaaring pamunuan ng presidente ang samahan. Bunga ng pagpupulong na ito ay ang pagkakatalaga ni Judee Barcenas bilang pangulo at bilang pangalawang pangulo si Marlon del Mundo, kasama ang ilan pang mga opisyales. 

Layunin ng grupo na ipagpatuloy ang pagsasama sama ng buong pamilya tuwing weekend at palawakin ang samahan kasama ang iba pang pamilya na nasa grupo pati na rin ang pakikilahok sa mga aktibidad ng mga pilipino sa rehiyon ng Toskana at maging sa ibang lugar man. Nais din ng samahang mas makatulong sa mga miyembro sa anumang pangangailangan, pati na rin sa ating mga kababayan sa Pilipinas na humihingi ng tulong. 

Subalit hindi lahat ay puro kasiyahan sapagkat makalipas ang mahigit isang taon mula nang ito ay maitatag ay hinagupit naman ng pandemya ang buong komunidad. Sa sitwasyong ito mas lalong naging aktibo ang grupo na nagbigay tulong sa mga nangailangan hanggang sa muling makabangon ang mga ito. Dalawang taong hinarap ng sama-sama ang pandemya, at napatunayang pag magkakasama, lahat ay malalampasan. 

Ngayong taong 2022, makatapos ang halos 4 na taon, muling nakapagdiwang ng kanilang fiesta ng Patron San Francisco ng Paola ang mga kasapi ng MAF. Muling naging masigla ang “extended family” ng MAF na may basbas mula kay Fr. Cris Crisostomo na nagdaos ng banal na misa. Isang pagdiriwang ng pasasalamat sa kaligtasan at biyayang natamo. Nagkaroon din ng halalan ang MAF. Ang bagong halal na pangulo ay si Bannie Reyes. Samantala nanatiling bise presidente si Marlon Del Mundo.

Tuloy ang buhay,

tuloy ang samahan.

Tuloy ang pag-usad ng Mabini and Friends. 

Ang mga bagong halal

(Judee Barcenas)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

€ 200 bonus para sa mga tumatanggap ng Naspi, ang mga detalye

Bollo at bollettino para sa aplikasyon ng Italian Citizenship, babayaran sa PagoPa