in

€ 200 bonus para sa mga tumatanggap ng Naspi, ang mga detalye

Nilinaw ng Inps sa pamamagitan ng Circular 73 ng June 24, 2022 na kahit ang mga walang trabaho at tumatanggap ng Naspi, Dis-coll at Disoccupazione Agricola sa taong 2022, ay makakatanggap din ng €200 bonus. 

Ayon sa National Social Security Institute ang bonus ay hindi lamang para sa mga kwalipikado sa pagkakaroon ng mga requirements na itinakda ng batas kundi pati sa mga walang trabaho. 

Paano matatanggap ang € 200 bonus ng mga mayroong Naspi?

Nasasaad sa Artikulo 32, talata 9, ng decreto legge 50/2022 ang pagbibigay din ng bonus €200 sa mga tatanggap ng unemployemnt benefit: Naspi at Dis-coll – sa buwan ng June 2022.

Samakatwid, ang tanging requirement para makatanggap ng bonus €200 ay ang pagiging benepisyaryo ng Naspi at Dis-coll sa buwan ng June 2022. At ang lahat ng mga tatanggap ng disoccupazione agricola sa taong 2022, ay may karapatan din sa bonus na 200 euro.

Samantala, hindi naman makakatanggap ng €200 bonus ang mga sumusunod: 

  • ang mga tumatanggap ng Naspi anticipata,
  • ang mga disoccupati na tumanggap na ng €200 bonus kasama ang iba pang mga benepisyo.

HINDI kailangan ang magsumite ng aplikasyon sa INPS. Ang bonus ay matatanggap kasabay ng pagtanggap ng Naspi, Dis-coll at Disoccupazione agricola. 

Anong buwan matatanggap ang € 200 bonus sa Naspi?

Sa Circular ng Inps ay nasasaad din ang petsa ng pagbibigay ng bonus. Sa mga tumatanggap ng Naspi at Dis-coll, sa buwan ng June, ang bonus ay matatanggap sa buwan ng October 2022.

Hindi tulad ng ibang mga lavoratori dipendenti, mga colf at mga pensyonado, ang mga tumatanggap ng unemeployment benefit ay kailangang maghintay hanggang Oktubre 2022 sa pagtanggap ng € 200 bonus. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 3]

Sale Sale Sale, narito ang ilang tips!

Mabini and Friends at ang bagong pamunuan