Sa pangalawang pagkakataon, matapos ang unang mensahe sa tweeter ng panghahamon ni Floyd Mayweather Jr. noong nakaraang linggo, ay nag-post muli ito sa kanyang Twitter account, at inulit ang pagha¬mon at pangungulit kay Manny Pacquiao na maglaban sila sa Mayo 5.
Hindi rin pinalampas ni Mayweather si Top Rank CEO Bob Arum at sinabing tigilan ang pagsisinunga¬ling sa publiko.
“I’m ready to fight Pacquiao 5/5/12… Bob Arum know the date can’t change, I have my gua-rantee… call Schaefer & Al and stop lying to the public,” ayon sa post ni Mayweather.
Ayon kay Mayweather, hindi maaaring iurong ang petsang Mayo 5 na nais niyang sumabak at alam iyon ni Arum, dahil ipinagpaliban lamang ng judge ang kanyang pagsurender para matugunan ang kanyang obligasyon sa ring.
Mainit ang naging usapan noong una na tila iniiwasan niya si Pacquiao ngunit ngayon, ayon pa dito ay tila nagmamakaawa pa siya.
“First, they say I’m Ducking the Fight. But now it seems like I’m begging for the fight. What is going on?”
Ayon naman sa mga report ay sinagot ito ng Pambansang Kamao at kung papayag diumano si Mayweather sa 50-50 split sa premyo ay walang magiging problema at matutuloy ang laban nila.