in

Mga Pilipino sa Italya, paano boboto sa darating na 2022 Elections?

Ang mga registered overseas Filipinos ay mayroong isang buwan upang mai-cast ang kanilang boto para sa nalalapit na National Elections sa mga Embassies at Consulates, mula April 10 hanggang May 9, 2022. 

Kaugnay nito, inilabas ng Commission on Election (Comelec) ang opisyal na listahan ng pamamaraan ng pagboto ng mga overseas voters para sa 2022 elections. 

Narito ang iba’t ibang pamamaraan ng pagboto: 

  • Postal voting, Manual counting 
  • Postal voting, AES o automated election system counting (sa pamamagitan ng vote-counting machine)
  • Personal voting, Manual counting 
  • Personal voting, AES counting (sa pamamagitan ng vote-counting machine) 

Sa panahon ng pandemya, sa maraming mga bansa at lugar ay matatanggap ang balota via mail sa halip na personal ang pagboto. 

Sa katunayan, ayon sa COMELEC, mayroong limang bansa o lugar lamang sa Europa kung saan magaganap ang personal voting. Ito ay ang Barcelona, Angola, Madrid, Milan at Vatican City

Samakatwid, sa Roma, South at North Italy, ay magkakaroon naman ng postal voting. Ito ay nangangahulugan na ang mga balota ay matatanggap sa home address na iniwan sa pagpapa-rehistro. Dapat siguraduhin na ito ay muling ipapadala via mail sa takdang panahon. 

Ayon pa sa Comelec, may kabuuang bilang na 1.697 milyon ang overseas voters sa buong mundo – 15,820 overseas voters sa Milan at North Italy, 21,448 overseas voters sa Rome at South Italy at 602 naman sa Vatican. (PGA)

Alamin kung registered voters, i-click ang link ng Comelec 

Click to rate this post!
[Total: 4 Average: 4]

Hindi bayad ang kontribusyon sa Inps, paano ang renewal ng permesso di soggiorno?

ISEE Ako Ay Pilipino

Ang halaga ng Assegno Unico 2022, batay sa ISEE