in

Mindanao Tapestry 2024 ni Renee Salud, tagumpay sa Roma

Mindanao Tapestry 2024

Muling nagbalik sa Roma ang Fashion Ambassador na si Renee Salud makalipas ang halos isang taon.Sa kanyang pagbabalik, dala ay ang magagandang kulay mula sa Mindanao, at ang fashion show na ito ay pinamagatang “Mindanao Tapestry 2024”. Ang koleksiyong ito ay tampok ang magagandang kulay at disenyo mula sa Mindanao, na nagpapakita ng yaman ng kultura at tradisyon ng rehiyon. Ang mga gawa ni Mama Rene ay kilala sa paggamit ng mga makukulay na tela at intricate na patterns na hango sa tradisyonal na kasuotan ng mga katutubong grupo sa Mindanao.

Kasama ng kanyang team ang magaling na director na si Direk Figueroa Jr. Dumating din ang may bahay ng governor ng Basilan na si Mrs. Anni Salliman, dala ang mga habing tela mula sa kanilang lugar.

Ang nasabing fashion show ay ang kauna- unahang proyekto ng Philippine Chamber of Commerce Italy o PCCI sa pangunguna ng presidente ng samahan na si Mr. Pol Reyes ng PhilCargo.

Ang fashion show na ginanap sa Villa Desiree sa La Storta Roma noong Hunyo  matapos ang panunumpa ng mga miyembro ng PCCI.

Bilang mga panauhing pandangal, dumating din sina Philippine Ambassador to Italy Nathaniel Imperial, Consul Minister Donna Feliciano Gatmaytan, Deputy Chief of Mission Nina Cainglet, Cultural Attachè Seline Lopez, Owwa Welfare Officer Lugtu at iba pang staff ng embahada at bilang pagsuporta, dumalo din ang ilang miembro ng Philippine Independence Day Association (PIDA).

Ang Mindanao Tapestry 2024 fashion show ay nilahukan ng 6 na models ni Mama Renee at ilang mga models na hinugot mismo sa filipino community dito sa Roma. Sila ay sina Chanel Itchon, Chloe Angeles, Alexia Satina, Cyrene Botobara, Alessia Pangilinan, Jille Lu Padua, Giasvy Axalan, Jerich Padua, Veronica McQueen Brosas, Debora Spaziani, Nicole Sison, Sean Alexander VIL, Rey Vincent delos Santo, at Barry Flores. Ito ay ikinasiya ng mga filipino local na naging parte ng nasabing okasyon. Ang naturang fashion show ay binisita din, hindi lamang ng mga local filipinos sa Roma, may mga bisitang Italiano rin, may galing sa California USA, at mayroon ding galing sa Canada.

Ang mga makulay na tela ng Mindanao at ganda nito ay nagningning sa hapon, at naghatid ng kaligayahan sa bawat manonood. Ito ay mga bagong collection ni Mama Renee, na hindi lamang pang fashion show ang ganda, kung di maaring gamitin din bilang pang smart casual attire. Maituturing na finale ng pagdiriwang ng araw ng kalayaan ng Pilipinas ang okasyong ito.

Naging masaya at emosyonal ang pagtatapos ng fashion show na napagtagumpayan ng PCCI ang kanilang unang proyekto. (ni: Jaiane Hawak Morales)

Mindanao Tapestry 2024
Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Carta Dedicata a Te 2024, sino ang hindi makakatanggap?

Pagliban sa Trabaho dahil sa Pagkakasakit, ang Obligasyon ng mga Workers sa Italya