in

Opisyal na imahen ni Pedro Calungsod, sinalubong sa Rome

Mainit na sinalubong ng mga Pilipinong pari at pilgrims ang pagdating ng opisyal na imahen ni Blessed Pedro Calungsod noong nakaraang Miyerkules sa Rome.

Sinalubong ng palakpakan nang alisan ng balot ang imahen sa Pontificio Collegio Filippino, ang opisyal na tirahan ng mga Pilipinong secular diocesan na mga paring nag-aaral sa Rome.

Hinalikan ni retired Cebu Archbishop Ricardo Cardinal Vidal ang imahen ni Calungsod at dinala sa chapel ng naturang Collegio.

Samantala, hapon ng Miyerkules ay ginanap din ang Ribbon cutting ng Filipino Community Art Exhibit sa pangunguna ni His Eminence Ricardo Cardinal Vidal, Archbishop Emeritus of Cebu and Ambassador Mercedes Tuason, Philippine Ambassador to the Holy See sa Santa Pudenziana Via Urbana, Roma.

 “Evangelizing Presence of Filipinos”, ito ang tema ng nasabing exhibit na naglalarawan kung paano, sa pamamagitan ng kultura, paghahanap-buhay at pamumuhay  ay nagiging saksi ng pananampalataya at pananalig sa Diyos ang mga Pilipino.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ilang kundisyon, kapalit ng pananatili ni Arroyo sa ospital

Bollettini MAV, ipinapadala sa mga employer ng mga colf, babysitters at caregivers