Sa panahon ngayong ng pandemya, sa Pilipinas o sa Italya at sa iba pang bahagi ng mundo kung saan ay may mga Pilipinong manggagawa, naging bukambibig na ang katanungang “May Pag-ibig ka na ba?” Pabiro man ang tanong ay seryoso naman ang nagiging kasagutan. “Oo, may Pag-ibig na ako at alam kong magiging kaagapay ko ito sa pagbuo ng mga pangarap ko para sa pamilya ko.”
Sa buwang ito ng Disyembre ay ipinagdiriwang ng PAG-IBIG FUND ang kanilang ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag at pagseserbisyo sa mga mamamayang Pilipino, nasa loob o labas man ng bansang Pilipinas. Ito ang national housing and savings program ng gobyerno. Ang kanilang tema na “Kaagapay mo sa pagbangon sa Kinabukasang Puno ng PAG-IBIG” ay nagpapahayag ng isang tapat na serbisyo at aalalay sa pagbuo ng mga pangarap ng mga miyembro nito.
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanilang anibersaryo ay may programa sila para sa mga miyembro na may cash cards. Maaari silang mag-apply ng PAG-IBIG Multi-purpose Loan via Virtual PAG-IBIG (www.pag-ibigfundservices.com/virtualpag-ibig/Loans.aspx). Sa mga miyembro namang di pa nakakakuha ng mga nasabing cashcards, makakapag-apply lamang sa alinmang tanggapan ng PAG-IBIG Fund.
Sa pamamagitan ng kanilang PAG-IBIG Housing Loan ay mabibigyang-katuparan din ang mga pangarap na magkaroon ng sariling bahay. Kaya hinihikayat ang mga miyembro na samantalahin ang pagkakataon hanggang sa ika-29 ng Disyembre, 2020 dahil may promo rates sila sa mga magpapasok ng aplikasyon. May mababang interest rate, maaaring makahiram hanggang 6 na milyon at maaari ding hanggang 30 taon ang payment term o kaya ay iangkop sa kakayahan at pangangailangan. Para sa mas malinaw na pag-unawa sa programang at malaman na rin ang mga requirements at mga hakbang sa housing loan availment, maaari ninyong silipin ang kanilang website ukol dito – www.pag-ibigfund.gov.ph
May dalawang savings program din ang PAG-IBIG, ito ay long-term, kumikita ng dibidendo kada taon, tax-free, walang savings limit at government -guaranteed.
Ang una ay ang regular na PAG-IBIG Savings 1, na makakapag-impok at maaaring makuha ang impok pagkatapos ng 20 taon o kaya naman sa pagsapit ng idad na 60 ng miyembro.
Ang isa pang paraan ng pag-iimpok ay ang PAG-IBIG Fund Modified Pag-ibig 2 o MP2 Savings Program. Ito ay isang boluntaryong programa sa pag-iimpok para sa mga miyembrong nais na magtabi nang higit pa, tuloy ay mas kumita pa ng malaking dibidendo kaysa sa regular na Pag-ibig Savings Program. Kailangang magkaroon muna ng impok sa Pag-ibig Savings 1 bago makapagbukas ng MP2. Ito ay may maturity ng hanggang sa limang taon lamang.
Ang mga dating miyembro na nahinto na sa paghuhulog ng kanilang savings, kabilang na dito ang mga OFWs, ay maaaring ma-reactivate muli ang kanilang membership, sa pamamagitan lamang ng pagpapatuloy ng paghuhulog dito. Maaaring buwanan o bayaran din ang halaga ng para sa isang taong hulog para sa availment na rin ng iba pang programa o serbisyo ng Pag-Ibig.
Mayroon ding aplikasyon para sa Multi-Purpose Loan o Calamity Loan na maaaring gawin online sa pamamagitan ng Virtual PAG-IBIG, mas madali at mas ligtas . Sundan lamang ang link na ito: https://www.pag-ibigfundservices.com/virtualpag-ibig/Loans.aspx. Ang online application para sa short-term loan via Virtual Pag-ibig ay bukas para sa mga aktibong miyembro na nakapaghulog na ng 24-buwang Pag-ibig savings o kontribusyon at may hawak nang mga cash cards.
Dahil na rin sa pandemya, marami sa mga miyembro ang nagkaliban sa paghuhulog sa kanilang mga loan kung kaya nagkaroon ang PAG-IBIG ng Special Housing Loan Restructuring Program kung saan ang mga miyembro ay may pagkakataon na maisaayos ang loan term nila at maging magaan ang paghuhulog muli sa nahiram. Ang programang ito ay nagtapos nitong ika-15 ng Disyembre, 2020 at nagkaroon ng oportunidad ang mga miyembro na ma-waive ang mga penalty on unpaid dues nila. Bisitahin ang link na: https://www.pag-ibigfundservices.com/virtualpag-ibig/HLR/Restructuring.aspx.
Para sa mga taga-Milan at Northern Italy na sakop ng hurisdiksiyon ng Philippine Consulate General , maaaring makipag-ugnayan kay MS. MYLENE LONTOC-PINTOR, na laging nakahandang magpaliwanag at sumagot sa inyong mga katanungan. Sa ngayong ay mayroon silang VIRTUAL PAG-IBIG na nagseserbisyo via online, 24/7, na may chat function at virtual access at mayroon ding virtual Sign-up procedure para sa mga OFWs. Maaaring makaugnayan din kay Ms. Pintor sa mga numerong +39 02 4351 0205 / +39 327763 7508 at sa email address : popmilan@pag-ibigfund.gov.ph. (Dittz Centeno-De Jesus)