Natuloy na ang naudlot noon na “personal pick-up” sa lungsod ng Bologna na dapat sana ay noong nakaraang Abril 10, 2022, habang may mobile consular service sa nasabing siyudad. Ang dahilan ng pagkabalam ay ang pagdating lamang ng mga balota noong isang linggo mula sa Pilipinas. Matapos na dumating sa Milan nang magkasunod na araw ang mga balota at iba pang voting materials, kinumpirma na ng Philippine Consulate General ang hiniling na panibagong araw ng distribusyon ng mga balota ng mga taga-Bologna at karatig-lugar . At naapruban nga ito para sa ika-18 ng Abril, mula ala-una ng hapon hanggang ika-lima. Ito ay isinagawa sa JIL Church Compound sa via Corticella 179, Bologna. Dumating ang tatlong Consulate Staff na mangangasiwa sa distribusyon at tatanggap sa mga balotang nakompila na ng mga botante. Sila ay nanggaling din sa Torino matapos ang dalawang araw na mobile consular service dito at nagkaroon din ng distribution of […] More