in

Pagpupugay kay Dr. Jose Rizal, pagbubukas ng Kalayaan 2019 sa Roma

Ang taunang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Roma ay sinisimulan sa pagbibigay-pugay kay Dr. Jose Rizal bilang dakilang Pilipinong nagbuwis ng kanyang buhay upang makamit ang ating kalayaan.

Ang unang bahagi ng pagdiriwang ng ika-121 taon ng Araw ng Kalayaan ng mga Pilipino sa Roma ay ginanap sa Piazzale Manila noong June 2, 2019.

Nagsimula ang selebrasyon sa taimtim na pagbibigay pugay, una sa pagtataas ng ating watawat kasabay ng pag-awit ng Lupang Hinirang at sinundan ng paghahandog ng bulaklak sa bantayog ni Dr. Jose P. Rizal bilang simbolo ng pagbibigay pugay para ating mga bayani na nagsipagbuwis ng buhay para sa ating kalayaan.

Pinangunahan ito ng ating Philippine Embassy to the Holy See, HE Ambassador Grace Relucio-Princesa, at mga kinatawan mula sa Philippine Embassy Rome Italy, PIDA President Mr. Pye Santos, at mga panauhin mula sa iba’t ibang organisasyon ng mga Filipino sa Roma sa pangangasiwa ni PIDA Adviser Augusto Castillo Cruz.

Dumalo rin sa nasabing pagpupugay ang mga leader at kinatawan mula sa Knights of Rizal, The Fraternal Order of Eagles (Philippine Eagles) Vatican City, Vatican Knights, Roman Cavaliers, PDGII Guardians, CIS, ACPPI atbp. Binigyan din ng taimtim na panalangin sa ginawang pagtitipon ang paglisan ng isa sa mga naging malaking bahagi ng bawat selebrasyon na ginagawa sa harap ng bantayog ng ating pambansang bayani Gat Jose P. Rizal. Si Sir Norberto Fabros na masigasig na pinangungunahan ang pangangalaga ng kaayusan at kalinisan ng bantayog ni Dr. Jose Rizal sa Piazzale Manila simula sa taong 2011. Kilala siya bilang isang masipag at magiting na Caballeros de Rizal o Knights of Rizal, at isa sa mga haligi ng Guardians sa Italya.

Sinundan ang pagtitipon ng isang Thanksgiving Mass sa Basilica di Sta. Pudenziana Roma.

 

Carlos Simbillo

https://www.facebook.com/akoaypilipinoitalya/videos/2227413810645704/

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ako ay Pilipino

Bagong Website ng Ufficio Immigrazione Firenze, magpapahintulot sa request online ng mga permit to stay

Sakop ba ang domestic job ng ‘obbligo di tracciabilità? Maaari bang tanggapin ng colf ang sahod ng cash?