in

Philippine Embassy, may hotline number at email address ukol sa Regularization 2020

Ang Embahada ng Pilipinas sa Italya ay lumikha ng dedicated hotline number at email address para sa mga mangangailangan ng serbisyong konsular kaugnay sa kanilang aplikasyon para sa regularization program ng bansang Italya. Ito ay ayon sa isang post ng PE Rome sa social media page nito.

Hotline Number:+39 333 688 1522
(Maaaring tumawag mula 9:00 AM hanggang 5:00 PM, Lunes hanggang Biyernes, maliban sa holiday)

Email Address: romepe.assistance@gmail.com

Ayon pa sa nasabing post, “Gagawin ng Embahada ang buong makakaya upang magbigay ng documentary assistance sa mga Pilipino na maga-apply sa nasabing programa alinsunod sa patakaran ng Department of Foreign Affairs tungkol sa paghahatid ng serbisyong konsular at sa pinaiiral na social distancing. Prayoridad ng Embahada na mapanatili ang kalusugan ng mga kliyente at empleyado nito”.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ako Ay Pilipino

Aplikasyon sa Regularization ng mga colf at badante, 13,000 mula June 1

Philhealth Advisory 037, binatikos ng mga OFW sa Italya