in

PIDA, may bagong pamunuan 

Sa nalalapit na pagtatapos ng pandemya na naging sanhi ng pansamantalang pagtigil ng mga okasyon ay muling sinisimulan ang paghahanda sa isa sa pinakamahalagang pagtitipon ng mga Pilipino sa Roma, ang pagdiriwang ng Independence Day.  

Kaugnay nito, nagsimula ang PIDA o Philippine Independence Day Association sa pagpili ng mga bagong opisyales. Naganap ang halalan noong nakaraang Feb 19 kung saan bumoto ang 62 asosasyong kasapi nito. 

Nanumpa sa tungkulin ang mga bagong halal na opisyales noong nakaraang March 5, 2023 sa Santa Pudenziana Basilica. Dinaluhan ito ng mga grupo, komunidad, asosasyon, mga indibidwal at ilang mga sponsors na patuloy na sumusuporta sa mga aktibidades ng PIDA. 

Si Hon. Nina P. Cainglet, ang Chargé d’Affaires, ng Philippine Embassy Rome ang naging Inducting Officer. 

PIDA Officers:

  • Presidente          – Luis Salle (ASFIL Roma)
  • Vice President   – Benjamin Eclarin Jr. (GPII Anti-Crime Fed Legion)
  • Secretary           – Angel ‘Jun’ Manila Jr (S. Maria delle Grazie Fil Com)
  • Treasurer           – Susanna G- Tuazon (Candonians Rome)

Board of Directors:

  • Arnel Lacson (Kayumanggi Dance Co)
  • Normita Aragan (PIDA Founding Member)
  • Jaime NinoFranco (Guardians GBII)
  • Joyce Esteban (International Migrant School)
  • Analiza Bueno (ASLI)
  • Abel Corpuz (Guardians Delta Force)
  • Blas Trinidad Jr (Miracle of Salvation Missionaries)

Board of Auditors:

  • Cristopher Buenaflor (Roman Empire Eagles Club)
  • Mel Pineda (ANAK)
  • Angelina Santos (Pinoy Teens Salinlahi)  

Ang PIDA ay itinatag noong 2019 at ito ay binubuo ng iba’t ibang mga asosasyon at organisasyon – sa kasalukuyan ay humigit kumulang sa 120 ang mga kasaping miyembro – na ang layunin ay pamahalaan ang paghahanda ng pagdiriwang ng kalayaan ng Pilipinas sa Roma. 

Ngayong taon, ang pagdiriwang ay gaganapin sa Campo Sportivo ng Parrocchia di Santissimo Redentore, via del Gran Paradiso”, ayon sa bagong presidente na si Luis Salle. 

Aniya, kasama ang mga bagong halal na opisyales ng PIDA, sila ay magsusumikap na maibalik ang masiglang pagdiriwang ngayong taon ng Independence Day. Inamin din ni Salle na ito sa hindi madaling hamon para sa kanila matapos ang ilang taon ng pandemya at kasalukuyang krisis sa ekonomiya. 

Gayunpaman, sa pakikiisa ng mga kasaping grupo at asosasyon, mga supporters at sponsors, inaasahan ang pagbabalik ng mahalaga at malaking pagdiriwang sa Roma. 

Kaugnay nito, ginanap ang unang General Assembly noong March 12, 2023, kung saan sinang-ayunan at samakatwid napagkasunduan na ang PIDA Officers na ang hahawak ng mga Committees ngayong taon. 

Committee Heads

  • Venue Committee – Jun Manila
  • Sponsorship Committee – Arnel Lacson & Susan Tuazon
  • Security Committee – Jim Ninofranco
  • Program Committee – Joyce Esteban & Blas Trinidad Jr
  • Publicity Committee – Analiza Bueno & Cristopher Buenaflor
  • Food Committee – Benjamin Eclarin
  • Reception Committee – Angelina Santos
  • Booth/Tiendas Committee – Abel Corpus & Cristopher Buenaflor
  • Raffle Committee – Nori Argana & Susan Tuazon
  • Ecumenical Committee – Mel Pineda 

Dagdag pa ni Salle, bilang presidente ng PIDA, kanyang hangarin ang paigtingin pa ang samahan ng gurpo sa pamamagitan ng pagbabalik suporta sa mga kasapi nito.

Hindi lamang financial support ang usapan dito, kundi pati suporta sa projects bukod pa sa presensya ng PIDA. Malaki ang tulong at hirap ng bawat grupo para sa tagumpay ng PIDA, tama lamang na ibalik ang suporta sa kanila”.

Bilang pagtatapos, binangggit ni Salle ang kanyang hangaring makasama sa PIDA ang ikalawang henerasyon sa pagkakaroon ng ‘Kabataang PIDA‘.

Hangad ko rin sana na makapag-develop ng mga bagong lider sa lahat sektor upang maipagpatuloy ang mga mabubuting nasimulan at tayong mga nauna ang dapat magpursige na hahawan ng kanilang dadaanan, upang sa pagbaybay ng ating mga anak ay may malinis at walang nakaambang mga tinik sa daraanan”. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Artwork ng isang Pinay student sa Roma, hinangaan sa Milan

Permesso di Soggiorno per Attesa Occupazione, maaari bang gamitin sa pag-uwi sa Pilipinas?