Alaala ng Pagkakaisa – tema sa ika-25 taong anibersaryo ng Filipino Community of San Lorenzo
Milan – Nobyembre 6, 2014 – Masaya at matagumpay ang dalawang araw na selebrasyon ng ika-25 taong anibersaryo ng Filipino Community of San Lorenzo o FCSL sa Milan sa pamumuno ni President Marites Daag. Ang tema sa nasabing okasyon: “Alaala ng Pagkakaisa”.
Sa unang araw ay nagkaroon ng cultural program sa Don Bosco Auditorium sa Via Gioia, Milan kung saan nagtipun-tipon ang iba’t ibang religious groups at mga kaibigan.
Kinabukasan naman isang thanksgiving mass ang isinagawa sa pamumuno ng isa sa mga founders ng FCSL, si Father Emil Santos. Dumalo din ang Don Bosco Priest na si Don Alberto Vitale, Direttore Ufficio Migrantes.
Sinabi ni Daag, mayroong mahigit sa 800 na indibiduwal sa ilalim ng FCSL subalit ito ay nahahati sa iba’t ibang grupo.
“May Couples for Christ, Charismatic Group at iba pang mga religious group sectors”.
Sinabi rin ng presidente na nakatuon rin ang kanilang pansin sa mga kabataan, at sinisikap na ituro ang lahat ng mga traditional values ng mga Pilipino sa mga youth.
Ipinagmalaki rin niya na ang FCSL ay isa sa mga pinakamasipag na community sa Milan.“Lagi naming isinasama ang iba, hindi lang kami”.
Maliban sa kanilang layunin na turuan ng Philippine tradition sa mga kabataan, ay tumutulong din sila sa mga kapus-palad natin mga kapatid sa Pilipinas.
Ayon kay Daag, ang mga relief goods at halaga, ay ipinapadala ng mga good samaritans sa FCSL upang sila na ang bahalang magpadala sa mga tulong nila sa Pilipinas sa mga panahon ng kalamidad at iba pa.
“Kami sa community, kapag may nangangailangan, sinisikap naming lagi tumulong, bukas-palad ang aming community.”
Tampok sa kanilang programa ang kasaysayan ng simula ng FCSL. Pagkatapos ay ang talumpati mula sa Philippine Consulate sa Milan sa pamamgitan ni Consul General Marichu Mauro. Malugod niyang binati ang filipino catholic community ng San Lorenzo sa kanilang ika-25 na taong anibersaryo.“FCSL has played a major role in the
development of youth, not only in Milan but in the entire country of Italy”, ayon sa Consul General.
Kasunod naman nito ay ang pasasalamat ni Daag sa lahat ng dumalo. Inihayag din niya ang alaala ng labing-anim na taong nakakalipas.“16 years ago, ako po ‘yung isang OFW, isang ina na lumayo sa pamilya. Nakita ko ang simbahan ng San Lorenzo at aking sinabi: This is my community”.
Nagkaroon ng mga song and dance numbers mula sa youth maging sa mga invited guest performers.
Nagkaroon din ng Fashion show kung saan ipinakita ng bawat model ang iba’t ibang saya at barong tagalog na disenyo ni Kim Carandang.
Pinarangalan rin sa pamamgitan ng mga plaque of appreciation sina Ms. Marina Bautista, Ms. Melchora Bisquera, Eng’r. Domingo Borja, Mr. Vivencio Cailao, Ms. Benedicta Caraan, Mrs. Lucy Bauyon, Mr. Noel Dimaano, Mrs. Finy Jose, Mr. Leopoldo Jose, Mr. Efren Montillana, Mrs. Lita Perdon, Mr. Irene Tayag, ang FCSL choir at YECCC.
Samantala, isang surprise slideshow presentation naman ang inihandog ng buong FCSL sa dalawang chaplain priest na sina Father Emil Santos at Father Bong Osial.
Nagwakas ang programa sa isang flashmob kung saan pati na rin ang mga bisita ay nakisayaw sa buong grupo ng FCSL. “Patuloy naming tuturuan ang mga filipino values and tradition sa mga kabataan dito. At nagpapasalamat ako sa mga bumubuo nitong community dahil kahit ako ang overall president ay nagkakaisa ang bawat grupo sa FCSL, kaya hindi ako nahihirapan”, pagtatapos ni Daag.
Ulat ni Chet de Castro Valencia
Photo courtesy:
United Pinoygraphers Club Milan
Ruel de Lunas
Richie Juan
Dexter Manlapaz
Kervin de Jesus
Mark Omana
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]