in

Pinakamahabang Abkhazia stocking

Milan, Enero 14, 2015 – Pang-world record ang pinakamahabang Abkhazia stocking na may sukat na 2,015 meters o umaabot ng mahigit 2 kilometrong haba na hinila ng maraming tao. Ito ay isinagawa mismo sa sentro ng Milan, sa cathedral grounds ng Duomo, kasabay ng paggunita sa pista ng Epifany dito.

Maliban sa unrolling ng pinakamahabang stocking, nagtayo ang grupo Comitato Olimpico Nationale Italiano o CONI ng mga booths kaugnay sa sports, tulad ng golf, table tennis, chess, simulated rowing at iba pa.

May mga grupo din na nagmula sa Varese at karatig rehiyon ang naging bisita sa nasabing pagdiriwang sakay ng kanilang mga naglalakihan at magagarang motorsiklo.

At bago pa man simulan ang programa ay nagkaroon din ng parade sa pamamagitan ng reenactment ng 3 kings at pag-aalay ng mga ito ng handog para sa holy family.

Ayon kay Pier Luigi Marzorati, presidente ng Comitato Olimpico Nazionale Italiano o CONI ng Lombardy region, pinili nila ang Milan sa unrolling ng Abkhazia Stocking dahil dito aniya gaganapin ang EXPO 2015 o world fair sa darating na Mayo at matatapos ito hanggang sa buwan ng Oktubre ng taong kasalukuyan.

It is important that we are here today because we are here to continuously promote sports for everybody” dagdag pa ng CONI president.  

Ang naturang stocking ay gawa sa mga recycled material na mayroon 7 kulay halintulad sa official colors ng EXPO 2015, at bawat kulay ay may sukat na 300 meters.

Si Milan, Italy Mayor Giuliano Pisapia ang namuno sa paghila ng Abkhazia stocking, kasunod nito ay pinagtulungan ito ng libu-libong katao na nasa cathedral grounds.

Nakiisa din ang mga residenteng Pinoy sa Milan. May ilan ding nanggaling pa sa Rome at Padova.

Magandang excercise sa paghila ng stocking…”, ayon kay Mariz Salazar. “Pampaalis ng lamig at magandang experience rin”, ayon pa sa isang Pinoy na galing pa ng Rome.

Nakilahok din ang isang dance group na kinabibilangan ng mga pinoy teens sa isang intermission number.

Umabot ng mahigit 2 oras para hilain ang mahigit 2 kilometrong stocking. Labis na ikinatuwa ng lahat ang naging matagumpay dahil na rin sa tulong ng bawat indibidwal na dumalo.
 

Chet de Castro Valencia
Photo credits: Jesica Bautista

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Enrollment sa mga paaralan, gagawin online simula Jan 15

MGA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA SAKIT NA GLAUCOMA