in

Pinay singer sa Turin, maglalabas ng unang album kasabay ng live concert

“Please don’t miss the launching of my first album ‘Someday I’m coming back’ and live concert on October 21”. Ito ang paanyaya ni Nizzil Jimenez, ang Pinay singer mula Turin. 

 

 

Maglalabas ng unang album kasabay ng live concert ang 43 anyos at tubong Lanao del Norte na si Nizzil. Bagaman naging matagal ang katuparan ng kanyang mga pangarap partikular ang pagkakaroon ng sariling album hindi ito naging hadlang upang magkaroon ng sariling album. 

Dumating sa Italya 14 na taon na ang nakakaraan upang makapiling ang kabiyak na si Andrea Pastrone, isang Italyano na naging ama ng kanyang dalawang anak: sina Angel at Giobert. Kasabay ng paglisan sa sariling bansa ay ang pansamantalang pagkalimot rin sa kanyang mga pangarap. 

Ako ay mula sa isang maykayang pamilya ngunit ang aking ama ay nagkaroon ng matinding karamdaman. Sa edad na 11 anyos naging paraan ng pagkakakitaan ang aking pagsali sa mga singing contest. Ang aking napapanalunang cash prizes ay malaki ang naitutulong sa amin” kwento ni Nizzil. 

Sa pamamagitan ng mga paligsahang ito ay nagkaroon ng pagkakataong si Nizzil makapag-trabaho bilang singer sa iba’t ibang hotel at bar sa kanilang lugar. Ito ang naging simula ng kanyang singing career. Naging mabilis ang paglago ni Nizzil bilang singer ngunit sa murang edad ay naging ina ang mang-aawit. Taong 1995 ay isinilang ang unang anak nito na si Dave dela Cruz ngunit upang maipagpatuloy ang kanyang propesyon ay napilitang lisanin ang panganay na anak sa ama nito. 

Upang makalimot, ako ay nagtungo ng Maynila. Dito ang nakilala ko ang isang grupo, ang Freeplay Band na naging parte din ako”. 

Naging maganda ang takbo ng buhay mang-aawit ni Nizzil sa Maynila. Kasama ang banda ay nagkaroon ng maraming tour at nagtungo sa maraming lugar at bansa partikular ang China kung saan nanatili ng dalawang taon upang mag-trabaho. 

Sa China ko nakilala ang aking napangasawa, si Andrea. Doon sya nagta-trabaho noon at madalas syang magpunta sa mga bar kung saan ako ay kumakanta”

Maayos ang relasyon ng dalawa sa China ngunit kinailangang bumalik ni Nizzil sa Pilipinas at doon magpatuloy ng trabaho bilang singer. Tunay na mahusay at hindi maikakaila ang talento ng mang-aawit. Sa katunayan, taong 2003 ay nadiskubre siya ng isang kilalang director ng pelikula na nagngangalang Val Iglesias at ninais nito na gawan siya ng album. 

Kami ay ikinasal ni Andrea sa Pilipinas. At kasabay ng kasagsagan ng aking singing career, dahil na rin sa pagpupursigi ngi Val na gustong maging future manager ko, ay natapos din ang pagproseso ng mga documents ko papunta sa Italya”. 

Pangako ang iniwan ni Nizzil sa future manager nito na babalik agad ng Pilipinas upang ipagpatuloy ang singing career. Ngunit, tulad ng kasabihan, ang mga pangako ay kadalasang napapako. Sa katunayan ay hindi na nakabalik sa Pilipinas ang singer dahil sa pagkakaroon ng sariling pamilya. 

Mula dito ay pansamantalang nilimot ni Nizzil ang kanyang mga pangarap. Nagkaroon ng bagong mundo ang singer. Bagaman nilimot ang pangarap ay nanatili sa puso ang pag-awit. At sa isang hindi inaasahang pagkakataon, sa isang handaan kasama ang mga bagong italian friends ay naanyayahan syang kumanta at sa pamamagitan ng video ng isa sa mga panauhin ay naging bahagi ng X-Factor 1st edition. 

Akala ko ay isang tv program ang nag-invite sa akin. Iyun pala ay isa na ako sa mga contestants ng X-Factor sa Milan. Mayroong halos 10 libo katao doon. Nabigla ako sa mga pangyayari. Pasok ako sa unang selection ngunit ako ay binigyan ng italian song na dapat kong pag-aralan sa loob ng 2 araw. Nag-praktis ako ng mabuti ngunit ito ay hindi naging sapat dahil hindi pa ako marunong mag-italian”. 

Pagkatapos, taong 2008 ay nagtungo ng Turin at doon ay nakilala ang filipino community. Nagpatuloy sa pagkanta ang singer sa mga event ng komunidad hindi lamang sa Italya kundi maging sa Europa kasama ang mga kilalang local singers. Naging bahagi rin ng Underpressure Band. Hindi nagtagal ay nakilala ni Nizzil si Bruno Odl, isang talent scout na kanyang naka-trabaho sa ilang konsyerto at kanyang naging talent coach hanggang sa paghahanda sa ikalawang pagkakataon sa X-Factor 11 edition. 

Sa tulong niya ay lumakas ang aking loob na muling sumali sa X-Factor 2017. Nakapasok ako sa selection ngunit hindi pinalad na magpatuloy”. 

Samantala, hindi nawalan ng pag-asa ang ainger bagkus ay nagpatuloy sa music school: sa Officine Jazz Torino at Barriera Sonora na nangako ng album. 

Ito na ang kaganapan ng kanyang mga pangrap! Ang paglalabas ng unang album kasabay ng kanyang live concert sa Torino, Teatro Cardinal Massaia, sa Oct 21. 

“Please don’t miss the launching of my first album ‘Someday I’m coming back’ and live concert on October 21” – pagtatapos ni Nizzil Jimenez. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Paano mag-aplay ng Bonus Cultura?

X-Factor 11 Italya: Camille, pasok sa “Live”!