in

Pinoy, arestado sa tangkang pagkidnap sa isang 9 anyos na bata

Ikinagulat ng karamihan ang nangyaring episodyo sa Pisa, lalo na ng mga kababayang Pilipino. Sangkot dito isang 52-anyos na Pinoy.

Sa harap ng mga taong naglalakad naganap ang pangyayari kung kaya’t agad na nakatawag ng saklolo ang mga tao at naharang ang kidnapper. Ayon sa mga nakalap na report ng mga awtoridad, siyam na taong gulang ang bata na pinagtangkaang kidnapin ng Pinoy habang ito ay naglalakad hawak kamay ang mas nakatatandnag kapatid na 17 anyos. Nangyari ang lahat ng ito bandang alas singko ng hapon araw ng Biyernes, ika-18 ng buwang kasalukuyan.

Ang ipinagtaka ng lahat ay isinagawa ang balak ng Pinoy sa lugar na maraming tao, sa malapit sa bus stop. Dahilan ito upang mismong ang mga nakasaksi ang humarang sa kanya at mabawi ang bata. Agad namang rumisponde ang mga pulis na kasalukuyang nagroronda sa kalapit na lugar. Agad na inaresto ang nasabing Pinoy.

Ayon sa mga pulis, kilala na umano nila ang Pinoy dahil dati na itong inireklamo sa pagtatangka pa ring pagkidnap. Isang onse anyos naman na batang babae ang naging target nito. Nakabantay umano ito sa labasan ng palestra at sa takot ng biktima ay agad na humingi ng saklolo. May rekord din umano ito sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.


Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad. Maaari umanong ang pinoy na walang permanenteng tirahan ay wala sa tamang pagiisip. Sakaling makumpirma ang kaso ay sasailalim ito sa masusing psychiatric evaluation at therapy. (Quintin Kentz Cavite Jr.)

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 5]

kit-postale-ako-ay-pilipino

Expired ang permesso di soggiorno, maaari bang makapag-trabaho sa Italya?

Fourth dose ng bakuna kontra Covid19, sisimulan sa Marso 2022 sa Italya