in

“Pinoy gang” inaresto dahil sa shabu

Apat na Pilipino ang inaresto kamakailan sa Milan dahil sa pagbebenta ng ‘shabu’.

Milan – Ang unang Pinoy, 49 anyos ay inaresto noong Enero 28 sa Via delle Forze Armate, ang tatlong iba pa, 39, 43 at 49 anyos, ay inaresto naman sa Via Lucca noong Peb 7.

Sekwestrado ang 32 grams ng droga na ayon kay assistant chief of police Daniele Barbieri, ay nagkakahalaga ng halos 20,000 euros.

Ayon sa mga report, sa ginawang raid ay natagpuan din ang maraming cellular phone numbers, mga timbangan at 3,500 euros cash, ilang mga tseke at isang 7.65 revolver, na hindi rehistrado.

Ang pagbebenta ay halos esklusibong para sa mga Pilipino lamang, hindi diumano delikado at malaki ang kita, ayon pa rin sa report. (sources: www.milanotoday.it, www.milano.repubblica.it )

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Minimum Wage ng mga colf, babysitters at caregivers sa taong 2013

Pope Benedict XVI “Para sa ikabubuti ng Simbahang Katolika”