in

Pinoy nurse, nagbabakuna sa mga Frontliners sa Milan

Pinoy nurse, napiling magbakuna sa mga Frontliners sa Milan Ako Ay Pilipino

Jaycee Cipres, 31 anyos at isang registered nurse sa Ospedale di Bassini, sa Subintensive Care Unit sa Milan. 

Matapos mabakunahan laban Covid19 noong nakaraang Jan 6 ay si Jaycee naman ang nagbabakuna sa mga Frontliners sa Milan. Nakilala si Jaycee sa tawag na Mani di fata o mani d’ angelo o mani d’oro matapos ilipat sa Centro Vaccinale Ospedale di Sesto San Giovanni Milano. Ito ay dahil sa magaan ang kanyang kamay at lahat ng binabakunahan nya laban Covid19 ay natutuwa dahil wala silang nararamdaman. 

Kumbinsido ka ba 100% sa pagpapabakuna? O ginawa mo ito dahil isa kang front liner? 

Kumbinsido po talaga ako 100% hindi dahil sa frontliner ako kundi dahil kagustuhan ko po talaga. Lalo pa sa panahon ngayon tanging bakuna lang ang makakatulong para makalabas tayo sa kalupitan ng Covid- 19. Then after ko po umattend ng seminar na kung saan lahat ng nurses na mapapalagay bilang tagabakuna ay mas napagtanto ko po ang kahalagahan ng bakuna ng ito. 

2) Ano ang naramdaman mo sa oras na binabakunahan ka? 

Noong binakunahan po ako masakit talaga yung turok. Halos lahat naman ng bakuna mararamdaman yung tusok ng karayom. Then after several hours mabigat sya sa braso. At kusa naman itong nawala.

3) Ano ang pakiramdam mo ngayon? 

Ok na ok po ako ngayon. Still I need to be careful sa pagprotekta sa aking sarili. Kasi hindi dahil na received ko na yung first dose ay kampante na ako. Knowing na may second dose pa. And ung peak ng pagdevelop ng antibodies usually one week pa after ng second dose.

4) Ano ang mga inaasahan mo ngayong may bakuna ka na? 

Still need ko pa rin hintayin yung second dose then probably after couple of months magpapa-sierologico ako para makita ko kung may antibodies na. Napaka-importante nito sa akin lalo pa’t gusto ko rin magbakasyon sa atin sa Pilipinas. Malaking bagay ang may bakuna para rin pasakayin ka sa mga eroplano.

5) Ano ang halaga nito para sa iyo? 

Napakahalaga nitong bakuna na ito para sa akin, at ganun din sa mga taong makakasalamuha ko, magiging kampante ako na atleast protected ako sa Covid-19.

6) Ano ang iyung mensahe sa konunidad?

Ang mensahe ko sa komunidad, ay maging mapanuri sa mga nababasa sa social media, minsan pinangungunahan tayo ng takot dahil sa mga nababasa natin sa social media. Hindi aaprubahan ng World Health Organization ang bakuna kung hindi ito makakatulong sa pandemia ngayon. Besides kapag pumunta sila sa mga Centro vaccinale sa lugar nila, may doctor na mag-iinterview sa kanila kung pwede ba sila magpa- bakuna o hindi. Makakalabas lang tayo sa bangungot na dulot ng Covid-19 kung tayo ay magpapabakuna.(PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

monopattino Ako Ay Pilipino

Pinoy drug pusher na gamit ang monopattino, kinasuhan sa Roma

pagbisita at pagtanggap ng bisita sa sariling tahanan Ako Ay Pilipino

Maaari bang tumanggap ng bisita sa sariling tahanan? Ano ang nasasaad sa bagong DPCM?