in

Rambulan ng mga kabataan, 3 Italians ang nasaksak

Mga kabataang Pinoy, sangkot sa rambulan at pananaksak sa tatlong menor de edad na italyano.

 

Milano, Marso 20, 2017 – Tatlong 17 anyos na mga Italians ang nasaksak ng pinaghihinlaang mga Pilipino, sa naganap na rambulan Sabado ng gabi, bandang alas 12:20 ng hatinggabi sa largo Cairoli sa Milano.

Ayon sa mga unang report, isang grupo ng mga kabataang Italyano,  ang nagkaroon umano ng isang pangkaraniwang diskusyon. Dalawa sa mga kabataang ito ay South American origins. Pagkatapos ay nasangkot sa initan ang tatlong kabataang  Pinoy matapos lumapit sa grupo. Ayon sa hinala ng mga awtoridad, napagkamalan umano ng mga kabataang Pinoy na kanilang kababayan ang dalawang Peruvians.

Nahuli ng awtoridad ang 2 suspek na Pinoy. Ang pitong mga kabataan ay kinilala lahat at iniimbistigahan. Ang katotohanan ng kanilang mga bersyon ay sinusuring mabuti tulad ng pag-iimbistiga sa tunay na sumaksak sa mga menor de edad na Italians kung saan isang kutsilyo lamang ang natagpuan. Kasalukuyan ding iniimbistigahan kung ilang Asian pa ang sangkot sa away.

Ang mga nasaksak ay isinugod sa Niguarda hospital at Fatebenefratelli hospital, isang red code at ang dalawa ay yellow code.

Dalawa sa tatlong nasaksak ay may police record, pati na rin ang 2 Peruvians ngunit ang mga kabataang ay walang anumang police record. 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bonus “Mamma domani”, ano ito at sino ang kwalipikadong matanggap ito?

Decreto flussi 2017, simula ng click day ngayong araw