in

Reyes, 16 na taong pagkakabilanggo

Roma, Oktubre 10, 2012 – Kinumpirma kahapon ng prima Corte d’assise d’Appello sa Roma ang 16 taong hatol ng pagkakabilanggo ng Pilipinong si Winston Manuel Reyes, ang akusado sa pagpatay sa kondesa na si Alberica Filo della Torre.

Ang Procuratore Generale ay hiniling ang life sentence para sa akusado dahil diumano sa “parsyal at delayed na pag-amin nito sa krimen” at binigyang diin na “ang paghingi ng tawad sa pamilya ay ginawa lamang sa pagtatapos ng rito abbreviato at ngayon sa korte, bago ang hatol”.

"Mi rivolgo a tutti, avvocati, giudici e soprattutto alla famiglia Mattei; voglio solo chiedere perdono per quello che ho fatto", ayon kay Winston.

Dahil dito, para sa PG ay walang grounds “upang ibigay ang anumang nagpapagaan”. Si Alberica Filo della Torre ay pinaslang sa loob ng kanyang bahay sa Olgiata, Roma noong Hulyo 10, 1991. Si Reyes, ay hinatulan higit sa 20 taon matapos ang krimen. Sa imbestigasyon, ang natagpuang spots ng dugo sa bed sheet ng kondesa ay nagtataglay ng dna ni Reyes.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

30 estudyante, sinapian diumano ng masamang espiritu

Oct 10 deadline ng kontribusyon sa Inps, para lamang sa mga regulars