in

Seventh-Day Adventist sa Roma, nagselebreyt ng New Year

Rome – Sa isang Chinese Restraurant sa Roma nagtipon-tipon ang komunidad ng Adventist upang ipagdiwang ang unang araw ng Enero. Tinaguriang “Banquet” ang okasyong ito na kung saan ang naging tema nito sa unang bahagi ay Philippines: My Homeland, sa pangalawang bahagi ng programa ay Italy: My Present Home at ang pangatlo ay Heaven: My Permanent Home

altAng okasyong ito ayon kay Pastor Daniele Benini ay upang magselebreyt ng Bagong Taon at unang araw ng taon na kung saan ang lahat ay magkasama-sama at magsaya.  

Nagsisimba ang mga Adventists sa araw ng Sabado at matatagpuan ang kanilang simbahan sa Lungo Tevere Michael Angelo. “Sa lugar na ito kami nagdiwang ng Capodanno sapagkat dito’y makakatipid kami at ang pagkain dito’y medyo hawig sa pagkaing Pilipino at pribilehiyo namin ang makasama ang aming mga kaibigan, kamag-anak ay kakilala upang gawing naiiba naman ang gabing ito”, masayang banggit ni Pastor Benini.

Magagandang lugar sa Pilipinas ang ipinakita sa slides upang alalahanin ang ating bansa, may tumula, umani ng awiting Ilocano, jokes, mga tagalog visayan songs at may balagtasan pa. Naipakita dito ang patunay na sila’y may pakikiisa. “Magandang alalahanin ang pinagmulan sa panahong tulad nito at ang okasyong ito ay para sa lahat at ng hindi natin malimutan ang ating pinagmulan” – ang banggit ni Ms. Nancy Regio, isa sa mga elders ng mga Adventist sa Roma.

Sa ikalawang bahagi ng programa, ipinakita naman ang magagandang tanawin sa Italya, ang bansang kumukupkop sa atin. Bukod pa rito, nagdulot saya ang mga nakakatuwang karanasan ng mga Pinoy sa Italya at may documentaries din ng mga manggagawang Pinoy at mga batang ipinanganak sa Italya.

Sa ikatlong bahagi ng palatuntunan, nagpakitang gilas naman ang mga Adeventist Youth sa pamamagitan ng isang skit at mga awit.   
“Ano po ang masasabi ninyo sa mga Pilipino?” – tanong ko kay Daniele Benini, kasalukuyang Pastor ng mga Adventists sa Roma. “Li trovo estremamente positivi, organizzati, e anche abbastanza disciplinati, forse anche di più degli italiani per certe cose” (Sila ay lubhang positibo, organisado at disiplinado, marahil higit pa sa mga Italyano sa ibang bagay.)

altNapag-alaman rin na ang mga Filipino Adventists sa Roma ay may bilang na 150 kabilang ang mga bata at ilang linggo na ang nakakaraan, kanilang ipinagdiwang ang ika-15 na taong presensya sa Roma. Handa daw silang makiisa sa alinmang sekta upang tumulong sa mga Pilipino na nangangailangan ng tulong.

Isa sa mga naging panauhin ng nasabing pagdiriwang ay ang Associazione Stranieri Lavoratori in Italia at binigyan ng pagkakataong maipakilala ang mga layunin nito at iba pang social services na isinasagawa nito. Ipinarating ng ASLI sa grupo ang malaking posibilidad ng mga Pilipino lalo’t higit ng mga kabataang Pinoy na magkaroon ng ibang uri ng hanapbuhay kung magsisikap na matuto ng wikang italyano at magtitiyagang mag-aral at kumuha ng anumang kurso na siyang magiging sandata sa pagkakaroon ng puwang sa mundo ng paggawa at maging handa sa pakikisalamuha sa iba. Ang gabay na inilathala ng ASLI para sa mga Pilipino ay naging bahagi ng pagdiriwang. (Liza Bueno Magsino)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Tatlong bilyong euros kada taon ang idudulot ng regularization

Isang Mapayapang Bagong Taon sa inyong lahat! – Fr. Velos