in

Suspek sa pagpatay sa 50-anyos na Pinoy sa Roma, umamin sa krimen 

Nabagabag hindi lamang ang filipino community bagkus pati ang buong Roma sa nakakakilabot na pagpatay sa 50 anyos na si Michael Lee Pon na naganap noong Linggo ng gabi malapit sa istasyon ng Metro Valle Aurelia. 

Sinimulan na ang imbestigasyon ng mga alagad ng batas upang kilalanin isa-isa ang mga suspek. 

Kaugnay nito, ayon sa ulat ng ‘Il Messaggero’, isang 43-anyos na Pilipino, ang diumano’y kusang-loob na nagpunta sa istasyon ng Carabinieri ng Tor Vergata kahapon ng hapon Feb 20, at umamin bilang salarin sa naganap na krimen. Kasama niya ang menor de edad na anak, 16 anyos, na diumano’y sangkot din sa pagpatay sa kababayang si Michael Lee Pon.

Bukod dito, sa ulat naman ng ‘La Repubblica’, isang video confession ang ginawa umano ng suspek bago sumuko sa pulisya. Ayon sa nag-viral na video post sa social media, inanunsyo ni Renato Sarabia Peralta ang intensyong kusang-loob na pagpunta sa pulis. Aniya, hindi muna sya nagsalita dahil wala pa siya umanong abugado.

Matapos ang naging pag-amin ay naglabas ng warrant of arrest ang Public Prosecutor. Samantala, inabisuhan naman ng mga Carabinieri ang Polizia na kinikilala isa-isa ang mga suspek, partikular ang nakapatay sa biktima gamit ang 5 video surveillance na nakuha malapit sa lugar ng krimen. Nagtugma ang paghahambing na ginawa ng mga awtoridad. 

Gayunpaman, nananatiling isang misteryo ang dahilan ng pagpaslang kay Michael Lee Pon. 

Ayon sa reconstruction of facts na iniulat ng ‘ANSA’, nilapitan umano ng limang tao ang biktima sa kalsada at sinaksak ng ilang beses sa tiyan.

Isang direksyon para sa awtoridad, batay na rin sa statement ng ilang nakasaksi sa mga pangyayari na kasalukuyang iniimbestigahan. Nagsimula umano sa isang mainit na talakayan, naging pagtatalo na humantong sa matinding away hanggang sa pananaksak kay Michael ng isang grupo ng mga kababayang Pilipino at diumano’y pinagtulungan ang biktima. 

Kasabay ng pakikiramay ng buong komunidad sa mga naulilang pamilya, umaasa ang lahat sa paglabas ng katotohanan at pangingibabaw ng hustisya. 

Click to rate this post!
[Total: 3 Average: 4]

50-anyos na Pinoy, pinaslang sa Roma

3 rehiyon ng Italya, kasama sa top 10 regions at risks dahil sa climate change