Ang pagpasok ng panahon ng taglamig ay hindi naging sagabal sa hilig ng mga pinoy sa isports sa rehiyon ng Toskana.
Araw ng kapistahan ng Immaculada Concepcion nang ikasa ng RBGPII Golden Heart Firenze Chapter ang kanilang winter editionng Bowling. Ang nasabing paliga ng samahang ito ng GUARDIANS ay ginanap sa Bowling Center sa San Romano sa Probinsya ng Pisa at dinaluhan ng nasa walong koponan mula sa GE Montecatini, RGI Alakdan Blue Falcon Pistoia, RGI Royal Anchor Pistoia, RGI Blue Falcon Montecatini, RBGPII Golden Heart II, at Give me Five II.
Ang bawat isa sa walong koponan ay binubuo ng limang manlalaro. Bandang alas 9:30 ng umaga nang magsimulang mag-ingay mga bowling lanes. Ang venue ay nabalot ng makulay na mga uniporme ng bawat koponan. Habang patuloy ang pagtaas ng mga puntos ng bawat koponan sa bawat paggulong ng bola ay kasabay din ang sulyapan ng mga iskor sa bawat monitor ng mga katunggali. Magkakambal na konsentrasyon at kaba ang umiral sa mga panahong iyon.
Matapos ang tatlong sets ng laro at mapili ang nagwaging koponan ay pumili pa ng walong top scorers na pinagsama sama para makabuo ng 4 na double-player teams. Ang Top 1 ay nakapartner ang Top 8, ang Top 2 namn ay nakasama ang Top 7. Top 3 ay nakasangga ang Top 6, samantalang ang Top 4 ay nakapareha ang Top 5 scorer. Ang pangalawang parte ng paligang ito ay sinimulan bandanag alas 2 ng hapon, matapos na ang karamihan ay magsalo-salo sa inihandang pananghalian ng host organization. Ang walong 8 top players ay lahat male players. Pumili naman ang organizers ng apat na top women bowlers na hinati sa dalawang double-teams na naglaban-laban para sa special awards. Ang mga sumusunod ang mga pinalad na nagwagi.
Champion sa ketegorya ng Team ang grupo ng RBGPII Golden Heart Firenze, 1st Runner up ang Maria Zumba ng Bologna, 2nd Runner up ang Team ng BDO, 3rd Runner up ang Give me Five Firenze. Sa kategoriya naman ng 8 Top Players Doubles ay hinirang na champion ang tandem nina Elmer Clemente at Matteus. 1st Runner up sina Noel at Hans. 2nd sina Edwin at Louie, 3rd Placer sina Sam at Eddie. Sa women’s Division ay champion sina Marivic Tantay at Christina at 2nd place sina Arianne at Blessie. Nakatanggap naman ng parangal ang mga may pinakamataas na nakuhang puntos. Sa Men’s Division ay si Elmer Clemente, samantalang sa Women’s Division naman ay nasungkit ni Cristina Abrigo ang panalo. Muling nagpapasalamat ang pamunuan ng RBGPII Golden Heart sa mga nakiisa at inaasahan ng lahat na sa lalong madaling panahon ay muling magkakaroon ng pagkakataon ang lahat na magkasama-sama sa isang masayang paliga tulad nito na tinatawag ng karamihan na kanilang “stress-reliever”. (ni: Quintin Kentz Cavite Jr.)