in

Vice Mayor ng Roma, bumisita sa mga naulila ng Pinay

Roma, Mayo 29, 2015 – Dakong alas singko ng hapon kahapon, May 28 ng bisitahin ni Vice Mayor Luigi Nieri kasama ang Presidente ng Municipio 14, ex 19 Valerio Barletta at Assessore alle Politiche Sociali Barbara Funari at ilang tauhan ng munisipyo, ang tahanan sa Torrevecchia ng mga naulila ni Corazon Abordo.

Bukod sa pakikiramay ay nangako ang mga opisyal ng local government na sasagutin ang funeral at repatriation expenses bukod pa sa anumang tulong na kakailanganin ng pamilya lalong higit ng dalawang menor de edad (14 at 13 anyos) na anak ni Corie.

Bago pa man ito, ay binisita na rin ng Bise Alkalde ang mga biktimang sugatan sa ospital.

Kaugnay nito, binisita rin kahapon ni Consul General Leila Lora-Santos at Welfare Officer Loreta Vergara, kasama ang interpreter ng embahada, ang mga naulila ni Abordo pati ang dalawang Pilipinang sugatan na sina Lourdes Cudiamat sa Gemelli hospital at Thelma Eguia sa San Camillo hospital.

Malaki ang naging pasasalamat ng mga naulila sa naging pagbisita at pakikiramay ng mga local officials at mga opisyal ng Embahada ngunit higit pa rito ay katarungan at hustisya ang kahilingan ng mga ito at inaasahan ang suporta ng parehong administrasyon upang makamit ito.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Paalam Kabayan! Paalam Corie!

UPCC European Tour 2015, tagumpay na inilunsad sa Roma