in

Vice President Jejomar Binay, bumisita sa Roma

Roma, Hulyo 2, 2012 – Kasabay ng pagdiriwang ng mahalagang okasyon sa pribadong buhay, ay pinilit pa rin ni Vice President Jejomar ‘Jojo’ Binay ang mabisita ang mga institusyon na sumasaklawa sa mga ofws maging ang mga Pilipino sa Roma.

Sa kabila ng kasalukuyang matinding init sa Roma, ay mainit din ang naging pagtanggap ng halos isang daang mga pari at madreng Pilipinong naninirahan sa Roma nang makadaup-palad ang Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas sa Philippine Embassy to the Holy See noong nakaraang Miyerkules, June 27.

Sinimulan ni VP ang kanyang talumpati sa pagpapakilala at paliwanag sa likod ng kanyang pangalan. “Jejomar, stands for Je- Jesus, Jo for Joseph at Mar for Mary”, isang bagay na ikinatuwa ng mga relihiyosong gumagabay sa sambayanang Pilipino sa Roma, dahil ang karamihan sa mga dumalo ay pawang mga Spiritual advisers ng halos limampung Filipino communities sa Roma.

Hindi rin nag-atubili ang mga relihiyoso sa pagbubukas ng open forum. Sari-saring mga katanungan ang inihain sa Bise Presidente ngunit ang katanungan ukol sa pagiging sang-ayon nito o hindi sa abortion ay ganap na nakapag-patahimik sa lugar na ginanapan ng pagtitipon.

“Hindi po ako sang-ayon sa abortion, ang buhay po ng tao ay nagsisimula sa unang araw ng pagdadalantao ng mga Ina”, isang kasagutang pinanabikan ng mga pari at madre.

Samantala, Huwebes naman ng hapon, June 28, ng idaos ang pagtitipon kasama ang Embahada ng Pilipinas, mga Consiglieri Aggiunti, Filcom leaders, business sector, mga asosasyon at mga grupo sa Roma na matiyagang naghintay sa pagdating ng panauhing pandangal. Bukod kay VP at sa kanyang maybahay ay kabilang sina Hon. dela Rosa, mula sa Roma Capitale, Sen. Francisco Tatad at ang kanyang maybahay, Mayor of Makati City Junjun Binay. Kasama rin ang mga anak na sina Anne Binay-Alcantara at Nancy Binay-Angeles.  

Isang mainit na pagbati sa mga ofws sa Roma kasabay ang mga pangungusap na tila magiging inspirasyon ng mga Pinoy sa lahat ng parte ng mundo. “Ipagpatuloy po ninyo ang inyong magandang hangarin para sa inyong pamilya at sa ating bansa at makakaasa po kayo kasama ang ating mahal ng Pangulo sa aming tapat na panunungkulan sa aming mga tungkulin para sa ika-uunlad ng ating bansa at ng ating mga kababayan”, pagpapatuloy pa ni VP. Kasabay ang pagbabahagi ng bendisyon buhat sa Santo Padre sa kanyang pagbisita sa Vatican sa pagdiriwang ng anibersaryo ng kanyang kasal.

Ilang mga kasagutan buhat sa mga pinalad na makapagtanong ang sinagot ng ating mahal na VP. Aminin man o hindi, iilan lamang ang maiinit na isyu na pinakahihintay ng lahat na sagutin ng ating pangalawang Ama, isa na dito ang middle name o ang Circular 29, katanungang nagbuhat kay Ka Bill.

“Pinaghandaan ko ito, (habang ipinamimigay ang kopya ng legal position buhat sa DOJ). Isang batas po ng bansang inyong kinaroroonan ang magtanggal ng middle name sa mga Italian documents,isang batas para sa akin na dapat sundin ng lahat. Ang paggamit ng middle name – dagdag pa ng Bise Presidente – ay isang tradisyong ginagamit ng mga Filipino na walang suporta sa Civil code”, pagpapaliwanag pa nito.  (Isang kasagutang kanya na ring ibinigay sa ating mga mahal na pari at madre).

Sinagot rin ang mainit usapin ukol sa pagmi-miyembro sa OWWA sa pamamagitan ng employment certificate, ang hindi pagkakaroon ng mga Filipino doctors sa Embahada bilang pagsunod sa alituntunin ng host country, ang Philhealth amount, ang ukol sa mga nursing graduates at ang ukol sa ekonomiya ng bansa.

Tila napakabilis ng paglipas ng mga oras at bilang pagtatapos ay pinagkalooban ng pagkakataon ang mga dumalo sa pagtitipon para sa picture-taking. (larawan ni: Richard Pineda at Corazon Rivera)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Miss Italia nel Mondo, simula na ang registration

Summer time, Summer love – Unang bahagi