in

Volleyball Women’s Rome Team, Kampeon ng Inter-Europe

Nagpakita ng galing at gilas ang Volleyball Women’s Rome Team sa ginanap na Inter Europe Volleyball Tournament noong nakaraang Nobyembre sa Jura-Soyfer-Gasse Vienna Austria. 

Bumalik ang koponan sa Rome, Italy taglay ang pinakamalaking tropeo ng torneo at ang pinakamataas na podio at tinanghal na mga Kampeon ng Inter-Europe.

Hindi naging madali para sa koponan ng Rome ang laban dahil pawang mga magagaling ang mga kasali sa palaro na kinabibilangan ng Wolverines Vienna, AFV Milan, Renegade Vienna,  Eagles Vienna at ang naging Kampeon Roma. Ang Renegade Vienna ang kanilang nakalaban sa “semi-finals” at sa “finals” naman ang nakaharap nila ay ang AFV Milan, ang Kampeon ng Inter-Europe Geneve, Switzerland Edition noong nakaraang Setyembre. Kaya naman naging desidido ang mga manlalaro ng Roma at nais na maagaw at makabawi sa koponan ng AFV Milan.

“Sobrang hirap ng aming pinagdaanang laban sa final game kasi sobrang galing ng AFV Milan, pero dahil sa teamwork at kagustuhang manalo ang team ay nagawa naming matalo ang AFV Milan” ang naging salaysay ni Coach Jeff Palado.

Ang koponan ng Roma ay bibubuo ng mga magagaling na manlalarong sina Erica Guiterrez, Debora Spaziani, Monica Dimasupil,, Louisse Adriane Matira, Jenielyn Agresor, Joesan Bayron, Alessia Guitierrez, Kristel Ann Cunamay, Roxanne “Tarok” Capucion, Cate Piere Desire Dimaano, Cristal Capugan at Alyzza Guevarra.

Taos pusong nagpapasalamat ang buong koponan unang-una sa Panginoon sa paggabay sa kanila sa byahe at ganun din sa paglalaro, ganun din sa mga magulang na sumuporta at sa mga nagbigay ng tulong pinansyal. Kasama din nila sa Vienna ilang mga magulang at kaibigan ng mga manlalaro. PInasasalamatan nila sa naging suporta sa team sina Susan Mamaril, John Carlos Cunamay, Roma Anna Cunamay, John Carl Cunamay, Christine Elaiza, Fe Agripina Mendoza Legaspi at Lea Manalo Bayaborda. Hindi rin sila nagpatalo sa pagsigaw at pag cheer sa Team Roma hanggang sa huling laro.

Inaasahan din ng Team Roma ang patuloy na suporta para sa darating na Inter-Europe Rome Edition na gaganapin sa Marso 14, 2020 sa Green Sport Arena, Via Giannantonio Selva 100 Rome, Italy na pangungunahan nina Ron Villacorta, Jeff Palado, Allan Capistrano, Roman Aguilar at Ariel Vergara.

Maipagmamalaki nating mga Pilipino na nagkakaroon ng pagkakaisa ang iba’t ibang mga grupo at samahan sa buong Europa na magkaroon ng mga palarong pangpalakasan tulad ng basketball, volleyball, bowling, darts. Martial Arts, football at iba pa. At ang Roma ay isa na sa masasabing “team to beat” na koponan. (ni Teddy Perez)

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ano ang required salary sa pag-aaplay ng Italian citizenship at paano ito kinakalkula?

Isang mainit na pagbati ng Maligayang Pasko