Walong (8) mga Pinoy ang nahuli ng IX District of Public Security ‘Esposizione’ habang nagsusugal sa isang parke sa Roma kamakailan.
Ayon sa ulat ng Questura di Roma, ang mga Pinoy ay bumuo ng isang maliit na grupo at lumabag sa ipinatutupad na batas na anti-Covid19, na kilala sa tawag na ‘assembramento’. Ito ay isa sa mga pangunahing ipinagbabawal sa Italya at sa buong mundo sa panahon ng pandemya.
Kinilala at minultahan ang walong Pinoy dahil sa mga ginawang paglabag.